ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Merkado babahain ng bigas ng NFA simula Hulyo - Yap
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ni Agriculture Sec. Arthur Yap nitong Biyernes na inaasahan na maglalaro sa P35-P37 ang presyo ng commercial rice sa merkado ngayong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre na itinuturing âlean month." Ayon kay Yap, plano ng National Food Authority (NFA) na magbagsak ng anim hanggang walong milyong sako ng NFA rice sa merkado bawat buwan para hindi tumaas ang presyo ng mga commercial rice. Ngayon Hunyo, magdadagdag umano ang NFA ng 300,000 metriko tonelda ng bigas sa kanilang imbakan. Pananatilihim umano ito ng pamahalaan hanggang sa susunod na apat na buwan upang ipantapat sa mga commercial rice. Bukod sa dagdag na imbak ng NFA, tiniyak umano ng mga rice miller na kasapi ng Philippine Confederation of Grains Associations (Philcongrains) na pagpapakalat din sila ng kanilang bigas sa merkado na magkakahalaga ng P35-P37 bawat kilo, ayon kay Yap. âFor those who do not believe that the NFA has enough supply of rice, they can witness for themselves that the food agency has adequate stocks when we start bombarding the market with the staple," pahayag ni Yap. âThis is the Presidentâs directive." Magsasagawa din umano ng imbentaryo sa iba pang imbakan ng NFA sa mga lalawigan upang maiwasan ang kakulangan ng suplay at maiwasan ang nangyari sa ilang lugar sa Mindanao kung saan tumaas ang presto ng bigas. Sinabi ni Yap na nagsimula ng bumalik sa normal ang presyo ng bigas sa Mindanao matapos nitong iutos sa NFA na doblihin ang ibinebentang bigas sa merkado. Nitong Biyernes, ibinenta na sa Kidapawan ang mga NFA rice, dalawang araw matapos isailalim ang lugar sa âstate of calamity" dahil sa pagtaas ng presyo ng commercial rice na umabot hanggang P50 bawat kilo. Ang mga NFA rice ay ibebenta ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan tuwing Biyernes sa mga barangay. Ang programa ay tinawag na "Mayor RYG (Rodolfo Y. Gantuangco) og ang NFA, Bugas alang sa Kabus." Ang NFA rice ay mabibili ng P18.25 bawat kilo sa mga barangay hall. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular