ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dumukot kay Fr Bossi napatay - report


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Isang dating lider ng Moro Islamic Liberation Front na umano’y sangkot sa pagdakot sa Italyong pari na si Giancarlo Bossi noong nakaraang taon ang napatay sa Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng DZBB radio nitong Sabado. Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr, nasawi sa engkwentro si commander Akiddin Akiddin Abdusalam dakong 4 p.m. sa bayan ng Kabansalan. Matatandaan na si Bossi ay patungo noong Hunyo 10, 2007 sa Barangay Bulawan sa Payao, Zamboanga Sibugay nang dukutin ito ng may 10 armadong lalaki. Pinakawalan si Bossi pagkaraan ng 39 na araw. Ngunit bago nito, 14 na sundalo na naghahanap kay Bossi ang nasawi nang makasagupa ang mga armadong grupo sa Basilan noong Hulyo 10. Sampu sa 14 na nasawing sundalo ay pinugutan ng ulo. - GMANews.TV