ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

43 bangkay natagpuang lumulutang sa Burias Island


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Natagpuan ng Philippine Coast Guard ang 43 pang katawan na lumulutang sa karagatan ng Burias Island sa Masbate. Pinaniniwalaang kabilang ang mga ito sa mga nasawi sa lumubog na MV Princess of the Stars. Ayon sa ulat ni Carlo Mateo ng dzBB radio, 34 sa mga natagpuang katawan ay lalaki samantalang siyam ang babae. Naaagnas na ang labi ng mga biktima. Iniulat na natagpuan ang mga bangkay sa Ginduganan Point sa Burias Island. Mayroong 250 bangkay na ang natatagpuan mula ng lumubog ang barko na pagmamay-ari ng Sulpicio Lines noong kasagsagan ng bagyong ‘Frank.’ Mahigit 500 pasahero pa ang pinaghahanp ng mga awtoridad ayon sa tala ng National Disaster Coordinating Council at Coast Guard. May 56 pasahero ang nakaligtas sa paglubog ng ‘MV Princess’ sa karagatan ng Romblon noong nakaraang linggo. Ayon sa Sulpicio Lines, may 111 crew, 29 na non-crew at 726 na pasahero ang nakatala nang maglayag ang barko.- Mark Joseph Ubalde, GMANews.TV