ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nursing exam topnotcher walang balak mag-abroad - report


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Kung pases sa iba ang pagiging nurse para makapagtrabaho sa ibang bansa, mas nais naman ng topnotcher ng June 2008 Nursing Board exam na manatili sa Pilipinas upang magsilbi sa kanyang mga kababayan. “I still want to serve the Filipino people. I still want to work as a nurse here in the Philippines," pahayag ni Aira Therese Salamanca Javier sa panayam ni GMA reporter JC Soriano ng GMA news24 Oras nitong Biyernes. Si Javier, tubong Batangas ay scholar sa University of the Sto Tomas mula 1st year hanggang 4rt year. Kasalukuyan siyang tumutulong sa clinical instructors ng College of Nursing sa nasabing kolehiyo. Ayon sa ulat, bata pa lang ay pangarap na ni Javier na maging nurse. Hindi rin umano siya makapaniwala nang malaman na siya ang nanguna sa pagsusulit. “I asked (my professors) if they joking, they said no… I asked again, what place? They said you’re no.1," kwento nito. “I was really shocked, I was not expecting it really (to become the topnotcher)," idinagdag niya. Bukod kay Javier, tatlong nursing graduates mula sa UST ang pumasok sa top 5 na sina: Ana Rica Gutierrez, Maria Alyssa Policarpio at Aileen Grace Sotyco. Sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC) tanging 43.1 porsyento lamang o 27,765 ng 64,459 board takers ang nakapasa sa pagsusulit. Sinabi ni PRC chairperson Leonor Rosero na posibleng ang kakulangan ng mahusay na propesor ang dahilan ng mababang bilang ng mga pumasa. “It’s the quality of education…it matters a lot. Kaya kung ang kanilang equipment, kung ang preparation ng kanilang mga professors are not really that good syempre it also affects the students," paliwanag ni Rosero. Nakatakdang manumpa ang mga nakapasa sa Aug. 19 at 20 sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia sa Pasay City. Samantala, ang susunod na nursing examination sa taong ito ay gagawin sa Nov 29-30. Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Oct 17. - Fidel Jimenez, GMANews.TV