ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Info ad ni Juday sa system loss charge idinepensa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA - Naniniwala ang Advertising Board of the Philippines na patas at hindi mapanlinlang ang ginawang information commercial ni Judy Ann Santos tungkol sa âsystem loss" charge na sinisingil ng Manila Electric Company. Ang pahayag ay ginawa ni G. Rudolph Jularbal, kinatawan ng Ad Board sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Public Information nitong Miyerkules na pinamunuan ni Las Pinas Rep. Eduardo Zialcita. Nabigo si Santos na dumalo sa pagdinig dahil mayroon na umano itong kompromiso, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Eugenio Villareal. Ang pagdinig ng komite ay batay sa privilege speech ni Manila Rep. Bienvenido Abante na nag-akusa na mapanlinlang ang paglabas ni Santos sa naturang anunsyo kung saan inihalintulad sa natutunaw na yelo ang system loss. Ipinaliwanag ni Roberto Almazora, kinatawan ng Meralco, na may tatlong dahilan sa system loss charge na kinabibilangan ng technical loss (75%); pilferage (23%) at utility consumption (2%). Sinabi ni Almazora na sa tatlo, ang technical loss ang direktang maihahalintulad sa natutunaw na yelo dahil sa ânatural occurrence" nito na siyang ginamit na analogy sa info ad ni Santos. âOne of the reasons of technical loss is the transmission and delivery of power once it flows in power lines. There is also technical loss in changing or lowering of voltage from the power utility going to the consumers," paliwanag niya. Binigyan-diin ni Jularbal na ang paliwanag ni Santos sa infomercial tungkol sa natutunaw na yelo na - âdito may mga bagay na natural na nawawala" â ay tumutugon sa aspeto ng ânatural na nawawala" sa system loss ng Meralco. âBy using the analogy of melting ice as natural occurrence of losing something, the presentation of the subject matter (on system loss) was fair," tugon ni Jularbal nang hingan ni Zialcita ng posisyon kung ang anunsyo ni Santos whole truth o haft truth. Sa kabila nito, nanindigan si Abante na mapanlinlang ang anunsyo ni Santos dahil tanging technical loss lamang ang maituturing ânatural" na nawawala sa system loss at hindi kasama ang pilferage at utility consumption. - GMANews.TV
Tags: systemloss, systemlosscharge
More Videos
Most Popular