ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Komentarista sa radyo binaril sa N.Samar, patay!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Binaril at napatay ng âdi kilalang salarin ang isang komentarista sa radyo sa Northern Samar nitong Martes ng gabi, habang patuloy naman na iniimbestigahan ng mga pulis ang krimen. Sa ulat ng dzBB radio nitong Miyerkules, inutos ng liderato ng Philippine National Police na lutasin ang pagpatay kay Leo Mila ng Radyo Natin sa bayan ng San Roque. Batay sa paunang ulat na nakarating sa PNP headquarters sa Camp Crame, sinabing binaril si Mila sa labas ng kanyang opisina dakong 8 p.m.nitong Martes. Sinabing matindi ang mga komentaryo ni Mila sa usaping pulitikal sa San Roque, maging sa umano'y sapilitang pagbubuwis na ginagawa ng mga kasapi ng New People's Army (NPA). Sa isang pahayag nitong Miyerkules, kinondena ni Justice undersecretary Ricardo Blancaflor, ang pagpatay kay Mila na pang-walong mamamahayag na pinaslang ngayong 2008. Si Blancaflor ang pinuno ng Task Force 211, ang fact-finding body ng DOJ sa mga kaso ng pinaslang na mga mamamahayag. "These killings must be stopped! I am very sad with the slaying of Leo. My office, in coordination with the different government agencies, will leave no stone unturned to ensure the speedy investigation and eventual apprehension of the criminal elements who did this to Leo," pahayag ni Blancaflor. Magpapadala na umano ang Task Force 211 ng isang team ng mga imbestigador at prosecutor sa Samar upang subaybayan ang ginagawang imbestigasyon sa pagpatay kay Mila. "I would like to personally assure the family of Leo that the full force of Task Force 211, in cooperation with the different government authorities concerned, will be on top of this," ayon sa opisyal. Kabilang sa pinaslang na mamamahayag ngayong taon si Arecio Padrigao na komentarista rin sa Radyo Natin sa Gingoog City, Misamis Oriental. â GMANews.TV
Tags: mediakilling
More Videos
Most Popular