ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
16 tao patay sa baha, pag-ulan -- NDCC
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Labing-anim na tao ang nasawi at siyam pa ang nawawala dahil sa mga pagbaha na idinulot ng malakas na ulan sa ibat-ibang bahagi ng bansa, ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC) nitong Huwebes. Sa ulat ng NDCC, pito sa nasawi ay mula sa lalawigan ng Cagayan, apat sa Isabela, tatlo sa Aurora at dalawa sa Camarines Norte. Anim naman ang naitalang nawawala sa Camarines Sur, at tatlo sa Isabela. Tatlong tao rin ang naitalang nasugatan sa Camarines Sur. Ang pag-ulan sa Visayas at Mindanao ay dulot umano ng intertropical convergence zone, habang northeast monsoon naman ang nakaapekto sa Luzon. Ayon kay NDCC spokesman Anthony Golez umabot sa 87,350 pamilya o 412,209 tao ang naapektuhan ng kalamidad. Sa naturang bilang, 5,805 pamilya ang napilitang tumuloy sa mga evacuation center. May naitala ring 125 bahay ang nawasak at 9,614 nagtamo ng pinsala. Umabot naman P433.77 milyong ang halaga sa pinsala sa agrikultura at impraestruktura. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular