ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 opisyal ng DOJ inireklamo ni Baron Geisler sa Ombudsman
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Naghain ng kasong graft ang aktor na si Baron Geisler nitong Biyernes sa Office of the Ombudsman laban sa tatlong opisyal ng Department of Justice na nagrekomendang iakyat sa korte ang kasong acts of lasciviousness charges na isinampa sa kanya. Sa ulat ng QTV Balitanghali, sinabing personal na inihain ni Geisler sa tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City ang kanyang reklamo kasama ang kanyang abogado na si Atty Bonifacio Alentajan. Ang mga inireklamo ng aktor ay sina Chief State Prosecutor Jovencito Zuño, Assistant Chief State Prosecutor Miguel Gudio, at State Prosecutor Amanda Felipe. Una rito, inaprubahan ni Zuño ang rekomendasyon ni Felipe, nanguna sa pagdinig sa reklamong inihain ni Patrizha Maree Martinez laban kay Geisler, na iakyat sa Makati court ang kasong acts of lasciviousness laban sa aktor. Si Patrizha ay anak ng mag-asawang aktor na sina William Martinez at Ma. Rosario âYayo" Aguila. Ibinasura din ng DOJ ang kontra demanda na isinampa ni Geisler laban kina Patrizha, ina nitong si Yayo, at kaibigang si Steffanie Barrios. Sa reklamo sa Ombudsman, sinabi ni Alentajan na inabuso ng tatlong opisyal ng DOJ ang kanilang kapangyarihan at nilabag ang probisyon sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1992. Iginiit din ni Alentajan na hindi dapat iniakyat sa korte ang kaso ng kanyang kliyente. Idinahilan ni Alentajan na walang pananakot at puwersahang naganap sa insidenteng nangyari sa loob ng Fiamma Bar noong Abril kung saan hinawakan umano ni Geisler ang dibdib ni Patrizha. Sa depensa ni Geisler, sinabi ng aktor na masyadong dumidikit sa kanya si Patrizha kaya nya ito itinulak at aksidenteng nahawakan ang dibdib ng dalaga. Ngunit iginiit ni Patrizha na sinadya ni Geisler na hawakan ang kanyang dibdib at inaya pa umano siya ng aktor na makipagtalik. Sinabi ni Geisler hindi pa tapos ang kanyang laban at nakiusap sa publiko na huwag kaagad siyang husgahan. â GMANews.TV
Tags: barongeisler, actsoflasciviousness
More Videos
Most Popular