ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sekswal na relasyon ng 'magkadugo' gagawing krimen
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong gawing krimen ang sekswal na relasyon ng magkapamilya at magkamag-anak. Ang House Bill No. 5558 na tinawag na âAnti-Incest Act," ay inihain ni Alliance of Rural Concern party-list Rep. Narciso Santiago. Sinabi ni Santiago na ngayon ay walang batas na nagpapataw ng parusa sa mga magkadugo na nagkakaroon ng sekswal na relasyon. "The bill criminalizes incestuous sexual relations because they are contrary to public policy and public morals. It also responds to reports of rising incest statistics among families of overseas contract workers," paliwanag ng kongresista. Kung maging ganap na batas ang panukala ni Santiago, maaaring makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon ang matandang akusado at isang buwan namang pagkakakulong ang sasapitan ng akusado na may edad na 18 hanggang 25 sa panahong nangyari ang incestuous relationship. Higit na mabigat naman ang parusang ipapataw kung magkapamilya ang sangkot sa incestuous relationship at nasa ibang bansa ang kanyang kabiyak. Anim na taong pagkakakulong ang naghihintay sa kanya kung nagkaroon ng relasyon ang isang asawa sa kanyang kapamilya tulad ng anak, step-child o ampon habang ang kanyang kabiyak ay nasa ibang bansa para magtrabaho. Ipinagbabawal sa panukala ang sekswal na relasyon ng magulang sa kanilang mga anak, kapatid, at mga kamag-anak hanggang sa fourth civil degree. Nakasaad din sa panukala na hindi dapat magkaroon ng sekswal na relasyon ng step parents at step child, parent-in-law at children-in law, magulang at ampon, nag-ampon at magulang ng batang inampon, ampon at lehitimong anak ng nag-ampon. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular