ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ruta ng Nazareno nalihis, lubid inagaw ng mga deboto
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nangyari ang mga banta na gagawa ng paraan ang mga deboto ng Itim na Nazareno na ibalik sa orihinal na ruta ang prosisyon ng imahe na nagsimula umaga nitong Biyernes sa Luneta at ibabalik sa simbahan ng Quiapo sa Maynila bago dumalim. Sa GMA Flash Report nitong Biyernes, inulat na posibleng maibabalik ng simbahan ang Nazareno dakong 8 pm dahil sa pagbabago ng ruta. Taliwas ito sa inaasahan sa orihinal na ruta na matatapos ang prosisyon pagsapit ng 3 pm. Sa hiwalay na ulat ng dzBB radio, sinabing may mga deboto na umagaw ng lupid na humahatak sa karosa ng Nazareno at iniliko ang ruta nito sa mga lugar na tradisyunal ng dinadaan ng prosisyon. Nagpasya ang organisador ng prosisyon na baguhin ang ruta ng Nazareno upang maiwasan ang mga trahedya na nangyari sa mga nagdaang prosisyon dahil sa pagsisiksikan ng mga deboto. Nauna ng nakatanggap ng impormasyon ang Manila Police District na may mga deboto ang hindi nasiyahan sa pagpapalit ng ruta ng prosisyon kaya gagawa sila ng paraan upang maibalik sa tradisyunal na ruta ang Nazareno. Sinabi sa dzBB radio na pinabayaan na lamang ni MPD Director Chief Supt Roberto Rosales na mailihis ang ruta ng prosisyon upang maiwasan ang higit na mas magulong sitwasyon. Sa kabila ng pag-agaw sa ruta at ulat na mga nasaktang deboto, sinabi ni Director Leopoldo Bataoil ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na mapayapa ang pangkalahatan ng prosisyon. "Generally peaceful naman. However, very slow yung movement ng procession pero nakatutukok pa rin tayo at naglagay tayo ng additional augmentation for the forces of Chief Superintendent Rosales," ayon kay Bataoil. Sinabi ni Bataoil na 1,500 pulis ang ipinakalat nila sa paligid ng Quiapo upang magbigay ng seguridad sa tinatayang 2 milyong deboto na makikiisa sa selebrasyon ng Nazareno. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular