ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Batangas ex-gov Leviste hinatulang guilty sa pagpatay sa kaibigan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hinatulan ng Makati regional trial court nitong Miyerkules si dating Batangas governor Jose Antonio Leviste na guilty sa kasong pagpatay sa kanyang kaibigan noong 2007. Sa 38-pahinang desisyon ni Judge Elmo Alameda ng RTC Branch 150, hinatulan si Leviste ng reclusion temporal o pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon dahil sa pagpatay kay Rafael de las Alas noong Enero 2007. Inutusan din ni Alameda si Leviste na bayaran ang pamilya de las Alas ng P50,000 para sa civil damages at karagdagang P50,000 bilang moral damages. Naunang kinasuhan si Leviste ng murder ngunit naibaba ito sa homicide dahil hindi umano napatunayan na planado ang pagpaslang ng dating opisyal sa kanyang kaibigan. Lumitaw sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Leviste at de las Alas sa opisina ng akusado sa LPL Tower sa Makati noong Enero 12, 2007. Ang pagtatalo ay humantong sa pagbaril ni Leviste kay de las Alas at pagkatapos ay sumuko kay Makati Mayor Jejomar Binay. Sa paglilitis, iginiit ni Leviste na nabaril niya ang kaibigan dahil sa pagtatanggol sa sarili. Ngunit idineklara ng korte na hindi napatunayan ni Leviste na self-defense ang pangyayari. Binigyan pansin din ng korte ang limang tama ng bala sa ulo ng biktima. âIt did not support the argument of self-defense. One shot would have been sufficient or enough to immobilize the victim. There was no longer any reason for the accused to shoot him four more times even aiming at the head, a vital organ," nakasaad sa desisyon. Hindi rin umano nakatulong sa depensa ni Leviste ang pagtanggi nito na sumailalim sa paraffin test, ayon sa hukom. âThe natural tendency of a person claiming self-defense is to allow himself to be investigated by the police and spontaneously give his version of self-defense. This, he failed to do." Sa kabila ng desisyon, nanindigan si Leviste na walang kasalanan sa nangyaring krimen. âThe court has judged the way it sees it. But my conscience is clear and I am innocent. It behooves me, therefore, to file an appeal and get complete vindication for the sake of my family. I have nothing more to say. I leave my fate to God," ayon kay Leviste, dating asawa ni Senador Loren Legarda. Aapela Binigyan ng korte si Leviste ng 15-araw upang iapela ang desisyon sa Court of Appeals (CA). Kinansela na rin ni Alameda ang piyansa ni Leviste sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil nakasalalay na umano ang desisyon sa CA. Matapos igawad ang sentensya, kaagad na sinundo ni Senior Superintendent Gilbert Cruz, hepe ng Makati si Leviste upang dalhin sa Makati City Jail habang inihahanda ang paglipat niya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Ngunit bago umalis, nagbigay ng mensahe si Leviste sa kampo ng mga tagausig. "As the Bible says â my message to the prosecutors â forgive those who persecute you and pray for them ⦠And I will do that." Inihayag naman ng anak ni Leviste na si Marie Antoinette na gagamitin nila ang iba pang legal na hakbang bagaman iginagalang nila ang naging desisyon ni Alameda. "[W]e still stand by our father and his defense of self-defense," ayon sa nakababatang Leviste. âWeâll have to continue with this struggle but itâs not something we cannot overcome. Whatever the outcome will be, it would happen for a higher reason and that is all we are hanging on to, our faith in God." Umaasa umano si Marie Antoinette na mababaliktad ng CA ang naging desisyon ni Alameda. "My family and I are continuing to pray. Together with my legal counsel, we have proven a strong case throughout the two-year trial and now I leave my fate in God's hand." Hustisya Malugod namang tinanggap ng anak ng biktima na si Dinna de las Alas ang desisyon ng korte dahil nakamit na umano nila ang hustisya. "At least nakamtan namin ang hustisya. Masaya kami⦠Kahit ganun at least nakatikim siya ng pagkakulong," pahayag ni Dinna sa GMANews.TV. Sinabi ni Dinna na nasurpresa sila sa desisyon dahil wala silang nakukuhang impormasyon sa kung ano ang magiging hatol ni Alameda. Magsasagawa umano ng isang misa ang pamilya de las Alas bilang pasasalamat sa nakamit na hustisya para sa ama. "I donât know kung salu-salo kasi hindi din naman maganda ang nangyari kasi kami ang nawalan," paliwanag niya. Ilang kasapi rin ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang dumalo sa korte upang magpakita ng suporta sa pamilya de las Alas. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular