ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Roxas kinontra sa posibleng pagbaba ng presyo ng gamot


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Walang silbi ang ipinasang batas sa murang gamot kung hindi lubos na ipatutupad ng Department of Health (DOH) ang mekanismo sa tamang presyo ng mga produkto. Ito ang sinabi nitong Linggo ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron para salungatin ang pagtiyak ni Sen Mar Roxas na bababa na ang halaga ng gamot dahil sa pagpasok ng produkto mula sa mga dambuhalang dayuhang kumpanya. “The reduction of drug prices is not dependent on the entry of any pharmaceutical company, Indian or other ways. The only effective way to reduce prices is for the DoH to implement price regulation," ayon kay Biron, isang duktor. “Without it, there will be no tangible reduction," ayon sa kongresista na nagbabala na magiging ganap na inutil ang ipinasang batas. Matatandaan na si Biron ang nagsulong na isama sa probisyon ng Cheaper Medicine Act ang paglikha ng price regulatory body na siyang magmomonitor at magdidikta ng tamang halaga ng mga importanteng gamot lalo na sa mga nakamamatay na sakit na laganap ngayon sa mga Filipino. Inamyendahan ng ipinasang Republic Act no. 9502 o Universally Accessible, Cheaper and Quality Medicines, ang Republic Act no. 6675 o Generics Act of 1988, Republic Act no. 8293 o the Intellectual Property Code at Republic Act no. 5921 o the Pharmacy Law. Layunin sa pagpasa ng RA 9601 na mahatak pababa ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas na lumilitaw na isa sa mga may pinakamalahal na halaga sa mundo. Ngunit nangangamba si Biron na mabibigo ang layunin ng panukala dahil sa pagkontra ng mga mambabatas tulad ni Roxas sa paglikha ng price regulatory body. “He (Roxas) was never for price regulation, precisely why the Cheaper Medicines Law is bound to fail," ayon sa kongresista. Sa kabila nito, pinapayagan naman ng batas ang Pangulo ng bansa na, "to impose price ceilings on various drugs, upon the recommendation of the Health Secretary. - GMANews.TV