ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kahandaan ng pamahalaan sa epekto ng global financial crisis pinagdudahan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Duda ang ilang senador sa ginagawang paghahanda ng pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang maagapan ang kinatatakutang epekto sa Pilipinas ng paghina ng ekonomya sa mundo patikular sa United States. Sinabi ni Sen. Mar Roxas na wala siyang nakikitang programa ng gobyerno na tutugon sa epekto ng krisis sa kabila ng pagpasa ng Kongreso P1.417 trilyong budget ng pamahalaan sa 2009. Nakapaloob sa naturang budget ang P50 bilyong economic stimulus package kung saan ilalaan ang pondo sa mga proyektong makalilikha ng mga trabaho. âNasaan na âyung sinasabi na mga safety nets, mga emergency programs para doon sa mga maaapektuhan nitong krisis pinansiyal na ito? Wala pa rin akong nakikitang kongkretong aksyon ng gobyerno. Ano pa ba ang hinihintay nila?" tanong ng senador. Sinabi ni Roxas na hindi niya kukunin ang P200 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel upang magkaroon ng pondo ang pamahalaan na gagamitin laban sa krisis. "Hindi ko gagamitin ang aking PDAF. Kailangang magkaroon tayo ng pondo para sa mga programang naglalayong mabawasan ang epekto sa ating ekonomya nitong krisis pinansiyal na kinakaharap ng buong mundo," paliwanag niya. Hiniling din ng senador kay Senate President Juan Ponce Enrile na ibigay ang kanyang PDAF sa Department of Trade and Industry para magamit sa small and micro-lending facilities. Sa ganitong paraan makatutulong umano ang pondo para makalikha ng maraming negosyo at trabaho na kailangan para sumigla ang ekonomya sa kanayunan. Nais din nito na bigyan ng dagdag na pondo ang rice and fertilizer programs ng Department of Agriculture para matulungan ang mga magsasaka. Una rito, iminungkahi ni Sen. Manny Villar sa pamahalaan na lumikha ng bagong modelong pang-ekonomiya upang matiyak ang paglago ng bansa sa gitna ng tumitinding pandaigdigang krisis. Malaki ang paniniwala ng isang senador na hindi akma sa ekonomya ng Pilipinas ang sistema na nanghihimasok ng pamahalaan sa pribadong negosyo na ginagamit na modelo sa US at Europe na sentro ng global economic meltdown. âNapaniwala tayo na ang mas malaki ay mabuti, kaya hinikayat natin ang mga konsolidasyon, pagsasanib, pagsososyo, tulad sa pagbabangko, pero hindi pala," ayon kay Villar. Ginawang halimbawa ni Villar ang karanasan ng malalaking bangko sa mundo tulad ng UBS , Citigroup, Bank of Amerika, at Lehman na humatak sa pagbagsak ng merkado sa US. Binigyang-diin ng senador na mas mainam na konsepto na hindi nakikialam ang gobyerno sa mga pribadong negosyo. Sinabi ni Villar na maraming magagaling na ekonomista sa bansa na nasa gobyernro at pribadong sektor ang maaaring magpalitan ng kaalaman para sa pagbalangkas ng bagong economic model na angkop sa Pilipinas. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular