ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ambush sa Basilan: Alkalde, 3 iba pa patay!
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ZAMBOANGA CITY â Tinambangan at napatay ng mga armadong lalaki nitong Huwebes ng hapon si Mayor Karam Jakilan ng bayan ng Al-Barka sa Basilan at tatlo pa niyang kasama. Tatlong iba pa ang nasugatan sa pananambang na naganap sa Barangay Cabangalan sa bayan ng Tipo-tipo dakong 5 p.m., ayon kay Basilan provincial police chief Senior Superintendent Macapantar Salik. Galing umano ang alkalde sa Lamitan at patungo na sa Al-Barka nang tambangan ng mga hindi nakilalang salarin. Bukod kay Jakilan, isa sa mga nasawi ay kinilalang si Hjimran Jomar. Hindi pa nakukuha ang pangalan ng isa pang babaeng biktima. Ang mga nasugatan naman ay kinilalang sina Police Officer 1 Adam Ismail, Mannan Jakilan, at Agravante Ricardo. "We are investigating the ambush and are looking into clan war as one of the motives in the killing of the mayor," ayon kay regional police chief Chief Superintendent Bensali Jabarani. May direktiba na rin umano sa pulisya upang tugisin ang mga pumatay kay Jakilan. Inihayag ni Marine Brig. Gen. Rustico Guerrero, na may tropa na rin ang militar na tutulong sa pagtugis sa mga suspek. "We still don't know who were behind the ambush, but we have troops tracking down the killers," aniya. Hinihinala na may kinalaman ang pag-ambush sa naganap na pagpatay sa isang lider ng barangay sa Tipo-Tipo kung saan isa sa mga bodyguard ni Jakilan ang suspek. Sa bayan ng Al-Barka naganap ang pag-ambush ng mga bandidong Abu Sayyaf sa 14 sundalo noong Hulyo 2007 kung saan 10 sa mga sundalo ang pinugutan. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular