ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Reklamo laban sa kapatid ni Sen. Revilla ibinasura
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Wala umanong nakitang probable cause o batayan ang Pasig City Prosecutors' office kaya ibinasura ang kasong physical injury at child abuse na isinampa kay Princess Revilla, kapatid ni Senador Ramon âBong" Revilla Jr. Nakasaad sa 12-pahinang desisyon na inilabas nitong Huwebes ni Pasig City Prosecutor Michael Robles, na walang sapat na katibayan ang reklamong inihain ng isang 17-anyos na kasambahay laban kay Princess. "Mere allegation is not sufficient evidence," ayon sa prosekusyon. Bukod kay Princess (Rebecca Revilla Ocampo sa tunay na buhay), ibinasura rin ang kasong physical injuries laban sa recruiter ng nagreklamo kasambahay na sina Ruth Bajas at Ethel Avenido. Una rito, sinabi ng kasambahay na si Renalyn Arota na tumakas siya sa bahay ni Princess sa Casa Verde sa Pasig City noong Hunyo 11, 2008 matapos siyang bugbugin. Hindi rin umano siya binabayaran ni Princess. Ayon kay Atty. Irene Alogoc, abogado ng kasambahay, nabigla siya sa naging desisyon ng prosekusyon. "The court did not give weight on the two medical certificates we submitted to them to support the complaint," ayon kay Alogoc. Inamin ni Bajas na siya ang humikayat kay Pricess na kuning kasambahay si Arota. Nasaktan naman umano ni Avenido si Arota noong Marso 27, 2008 matapos niya itong mahuli na kumukupit sa alkansya ng anak ni Princess. Sinuportahan din nina Bajas at Avenido ang pahayag ni Princess na hindi na nagtatrabaho sa kanya ang kasambahay noong Marso 28. Batay sa reklamo, minaltrato siya ng dating aktres noong Hunyo 10. Pinuna naman ng prosekusyon ang sulat ng kasambahay kay Princess noong Abril 17, 2008 na naka-annex sa reklamo. "A reading of the letter would lead any person of common understanding and reason to conclude that (the victim) left the respondent's house on her own volition and without the latter's permission," ayon sa desisyon. Sinabi naman ni Atty Raymond Fortun, abogado ni Princess na makatutulong sa ibang celebrity ang desisyon ng korte. "It gives hope that the celebrities need not fear from the outrageous claim of people who are taking advantage of their status," aniya. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular