ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Arroyo maaabswelto sa fertilizer fund 'scam' - Roxas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inamin ng isang senador na maaabswelto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa umanoây maanomalyang paggamit sa P728 milyong fertilizer fund dahil sa kawalan ng testigong magpapatunayan na may basbas niya ang paggamit ng pondo. Ito ang inihayag ni Sen. Manuel Roxas III, miyembro ng Senate blue ribbon committee, kaugnay sa ilalabas na committee report na naglalaman ng rekomendasyon tungkol sa ginawang imbestigasyon sa naturang kontrobersya. Sinabi ng senador na walang lumantad na testigo o nagbigay ng testimonya na magpapatunay na may kinalaman si Pangulong Arroyo sa umanoây anomalya. "Sa ngayon wala pa namang nagtetestigo na kasama si GMA (Arroyo) dito. Pero hindi naman ako naniniwala na sa ganito kalaking pera (P728 milyon) na gumalaw sa gitna ng eleksyon (2004) na hindi alam ng Pangulo," ayon kay Roxas. Muling binuksan ng Senate blue ribbon ang imbestigasyon sa naturang iskandalo noong nakaraang taon matapos bumalik ng bansa ang itinuturong âutak" ng proyekto na si dating agriculture undersecretary Jocelyn Bolante. Sinabi ni Roxas na muling irerekomenda ng komite na kasuhan si Bolante tulad ng naging rekomendasyon noon ng komite na pinamunuan ni dating Sen Ramon Magsaysay Jr. sa 13th Congress. "Malinaw dito sa fertilizer fund scam na nagkaroon ng isang malawakang panloloko, malawakang scam, na nakawin ang pera ng ating mga kababayan at itong pera na ito ay gamitin sa pamumulitika. Dapat ihabla, kasuhan dito sila Jocjoc at ang lahat ng mga kasama dito sa fertilizer fund scam na ito," pagdiin niya. Muli namang nanawagan ang mambabatas kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na aksiyunan kaagad ang ihahain nilang rekomendasyon at huwag itong upuan tulad ng ginawa sa ipinalabas na ulat ng komite ni Magsaysay. Inaasahang na mailalabas ang rekomendasyon ng komite na pinamumunuan ngayon ni Sen Richard Gordon sa Lunes. - GMANews.TV
Tags: fertilizerfundscam, jocjocbolante
More Videos
Most Popular