ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sanggol na walang ilong, isa ang mata isinilang sa Negros
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang sanggol ang isinilang sa Sipalay, Negros Occidental na isa lang ang mata at walang ilong, ayon sa isang a television report nitong Huwebes. Sa ulat ng GMAâs primetime news 24 Oras, kinilala ang sanggol na si Angela Estaniel, na anak nina Nestor at Bonna Franco. Dahil walang ilong, sinabi ng news anchor na si Mike Enriquez na sa bibig humihinga si Baby Angela. Idinagdag ni Enriquez na maliit din lang ang ulo ng sanggol na dinala na sa ospital. Kailangan umanong ipagamot kaagad ang kondisyon ng sanggol ngunit walang trabaho ang kanyang mga magulang. Nanawagan sila sa publiko ng tulong para sa kanilang anak. Idinagdag sa ulat na sinimulan ng GMA Foundation na mangalap ng karagdagang impormasyon sa kondisyon ni Baby Angela. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular