ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Brodkaster na binaril sa C' de Oro kritikal pa rin
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang isang radio broadcaster matapos itong barilin sa Cagayan de Oro City noong Huwebes ng gabi. Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde nitong Biyernes na nagpalabas ng direktiba ang Malacañang sa pulisya upang lutasin kaagad ang pamamaril kay Nilo Labares, brodkaster sa dxCC-Radio Mindanao Network. âWe strongly condemn this dastardly act. We are ordering the Philippine National Police, Director General Jesus Verzosa, to leave no stone unturned to ensure justice is done, to identify the killers, to catch them, prosecute them and bring them before the bars of justice," ayon kay Remonde sa panayam ng dwIZ radio. Si Labares ay binaril dakong 8 p.m. nitong Huwebes habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Tomasaco Street sa Cagayan de Oro City. Ayon sa ulat, sinabayan ng suspek na nakasakay din sa motorsiklo si Labares at binaril ng dalawang ulit na tumama sa dibdib ng biktima. Mabilis naman siyang naisugod sa Maria Reyna Hospital kung saan nanatiling kritikal umano ang kanyang kalagayan. Kinondena Kinondena naman ng mga senador ang pananambang kay Labares na dapat umanong magsilbing wake-up call sa awtoridad hinggil sa pamamaslang sa mga mamamahayag. âThe rising number of cases of assaults against members of the press is alarming. We cannot afford to let this case go down as another unresolved case and send the signal that media practitioners are easy targets of attack in this country," ayon kay dating Senate President Manny Villar. Sinabi ni Villar na ang pag-atake sa mga mamamahayag ay direktang pag-atake rin sa Saligang Batas ng bansa na naggagarantiya sa malayang pamamahayag. Inihayag naman ni Senate Minority Leader Aquilino âNene" Pimentel Jr., na sampal sa pamahalaan ang patuloy na karahasan laban sa mga mamamahayag. Aniya, hindi pa man nabibigyan ng katarungan ang mga naunang pinaslang ay nasusundan pa ito ng mga panibagong biktima. "I condemn the shooting of radioman Nilo Lavares, violence vs journalists unabated, government should see to it that culprits should be punished," ayon kay Pimentel. Isinisi naman ni Senator Francis Pangilinan sa Philippine National Police (PNP), ang mabagal na pag-usad ng hustisya kaya patuloy ang pamamaslang ng mga miyembro ng media. âNanatiling unsolved o pending ang napakaraming mga kasong pagpatay ng mga mamamahayag o nasa hanay ng media," ayon sa senador. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular