ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Zambo trike drivers, umalma sa panukalang paggamit ng LPG


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ZAMBOANGA CITY – Ipinoprotesta ng mga tricycle driver dito ang panukalang ordinansa sa paggamit ng liquefied petroleum gas o LPG sa lahat ng mga 2-stroke tricycle na bumibiyahe sa Zamboanga City. Galit ang maraming driver dahil malaking halaga ng pagko-convert ng kanilang makina at naipasa na sa ikalawang pagbasa sa konseho ang naturang panukala. Idinadaing ng mga tricycle driver at operator ang mataas na halaga ng conversion ng kanilang makina sa LPG. “Paano naman naming makakaya ang bayad sa LPG system eh ang liit lang ng aming kinikita. Ano pa ang aming ipapakain sa aming pamilya?" tanong pa ng isang driver. Iginigiit pa ng mga driver na walang public hearing at ni hindi man lamang kinonsulta ang mga asosasyon ng tricycle drivers sa Zamboanga ukol sa panukala. Posible umanong magsagawa pa ng mas malaking protesta ang mga tricycle driver upang iparinig ang kanilang hinaing sa mga konsehal. Nagbanta naman ang mga iba na kanilang ikakampanya na huwag iboto sa susunod na halalan ang mga konsehal na lumagda sa naturang panukala. Suportado naman ito ng mga militanteng grupo sa Zamboanga. - Al Jacinto, GMANews.TV
Tags: biofuels