ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nawawalang eroplano sa Isabela 'di pa rin nakikita


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Hindi pa rin nakikita ng mga search and rescue team ang maliit na eroplanong nawawala mula pa noong Abril 2 sa lalawigan ng Isabela. Ayon kay Chief Superintendent Roberto Damian, police director ng Cagayan Valley Region, pinapahirap ng masamang lagay ng panahon ang paghahanap sa nawawalang eroplano. Umalis ang pribadong eroplano sa airport ng Tuguegarao City sa Cagayan sakay ang pitong tao dakong 8 a.m. noong Abril 2 at hindi na nakarating sa destinasyon nito sa Maconacon, Isabela na 25-minuto lamang ang biyahe. Kinilala ang mga sakay ng eroplano na sina SPO2 Rolly Castaňos ng Philippine National Police, Celestino Salacup, Abelardo Baggay, Joel Basilio at James Bakilan, at mga piloto na sina Capts. Tomas Z. Yaňez at Reiner Ruiz. Sinabing sumama na sa paghahanap sa nawawalang eroplano ang mga kamag-anak ng mga sakay ng nawawalang Chemtrad plane. Iniulat din na tumutulong sa paghahanap ang mga residente sa kagubatan ng Sierra Madre. Ayon kay Damian, tuloy ang search and rescue mission kahit sa Mahal na Araw ngunit ang masamang lagay ng panahon ang nagiging problema. “No positive report of sighting from ground search teams. Aerial search will continue tomorrow (Saturday) morning because we have reports that the weather is clear in Sierra Madre areas," pahayag ni Damian sa panayam sa telepono. “The cloud cover is erratic from noon (Friday) onward," idinagdag niya.- GMANews.TV