ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Quarrying sa Angat river patuloy kahit ipinagbawal ng gobernador ng Bulacan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ANGAT, Bulacan â Patuloy pa rin ang paghakot ng graba at buhangin sa Angat River sa bayang ito sa kabila ng ipinalabas na kautusan ni Bulacan Governor Joselito Mendoza na itigil ang naturang operasyon ng quarrying. Batay sa reklamo ng ilang residente sa lugar, nabawasan lang ang dami ng ginagawang paghakot ng graba at buhangin ngunit hindi tuluyang natigil ang operasyon. âYung mga crane na ipinatatanggal ng kapitolyo ay nasa site pa rin at ginagamit sa stockpiling," ayon kay Henry Sincioco, residente ng Brgy. Marungko na tutol sa quarry operations sa lugar. Sinabi nito na nagpalabas ng direktiba noong nakaraang linggo si Mendoza para ipatigil ang quarry operation sa Brgy. Marungko matapos magpalabas ng katulad na kautusan si Engineer Ricardo Medina, hepe ng Environment and Natural Resources Office (ENRO). Subalit hindi umano sinusunod ang ipinalabas na kautusan ni Medina ng mga quarry operator dahil hindi naman nakapirma si Mendoza. Una rito, daan-daang residente ng bayang ito ang lumagda sa isang petisyon at nagprotesta sa kalsada noong nakaraang taon para tutulan ang operasyon ng quarry sa lugar dahil naapektuhan ang tanim ng mga magsasaka. Reklamo ng mga residente, bukod sa naapektuhan ang kanilang kabuhayan, nalalagay sa peligro ang kanilang buhay dahil unti-unting kinakain ng ilog ang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay. âHumina ang ani ng magsasaka lalo na yung malapit sa quarry site dahil kapag summer madaling matuyo yung taniman nila," ayon kay Armando Bernanrdo, dating quarry operator na kasama na rin sa mga tutol sa operasyon ng paghakot ng graba at buhangin. Idinagdag ni Ernesto Santos, isa ring dating quarry operator na marami na ring magsasaka ang nawalang pagkakakitaan dahil sa quarrying. âMarami ang nawalan ng trabaho dahil sa lumiit na yung mga bukirin dahil sa quarry. Dati kumikita yung mga taga rito kahit tagapagtanim at tagapamitas lang ng bunga," ayon kay Santos. Iginiit naman ng isang nagngangalang Marvin Santiago na legal ang operasyon sa pagkuha ng graba at buhangin dahil may hawak silang permit. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular