ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 turistang Chinese nawawala sa Cagayan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
TUGUEGARAO, Cagayan â Dalawang Chinese na bisita sana para sa pagtitipon ng isang casino sa lalawigang ito ang nawawala mula pa noong Miyerkules. Sa impormasyong ibinigay ng pulisya nitong Sabado, kinilala ang hinahanap na mga turista na sina Wehon Che, 35, at Chenny Ang Lee, 45. Unang namataan umano ang dalawa sa Eastern Hawaii Casino sa loob ng Cagayan Economic Zone and Freeport (CEZF) sa bayan ng Santa Ana noong Abril 5. Nakatakda sanang magsalita sina Che at Lee sa Sun City Casino sa loob din ng CEZF ngunit hindi umano nakarating ang dalawa. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular