ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kalabaw ‘nag-amok’ sa parada, 4 nasaktan sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Naging tensyunado ang masaya sanang kapistahan sa Pulilan, Bulacan nang magwala ang kalabaw na kasali sa parada nitong Huwebes kung saan aabot sa apat na tao ang bahagyang nasaktan. Sa ulat ni GMA News reporter Howie Severino sa primetime newscast na 24 Oras nitong Biyernes, inihayag nito na mas malaki kaysa karaniwang kalabaw ang nagwalang hayop dahil may lahi itong water buffalo. Hinihinala na nag-alburoto ang kalabaw dahil na rin sa dami ng tao kaya bigla itong nagtatakbo. Dahil sa pagwawala, nalaglag ang lalaking nakasakay sa hinahatak nitong kariton. Sinuwag din ng kalabaw ang ilang nakaparadang motorsiko, kariton ng mga nagtitinda at nagawang itumba ang isang waiting shed. Ilang metro pa ang tinakbo ng nagwawalang kalabaw hanggang sa tila mapagod at kumalma. Sa kabila ng mga sugat na tinamo sa paa at nguso, ligtas naman na makababalik ang hayop sa kanyang kulungan. Ayon kay Mayor Vicente Esguerra, ito umano ang unang pagkakataon na may kalabaw na nagwala sa kanilang parada. Idinagdag niya na maraming tao sa lugar kaya nagdesisyon silang huwag barilin ang nagwawalang kalabaw sa pangambang may tamaan ng ligaw na bala. - Fidel Jimenez, GMANews.TV