ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
‘Red Bull’ energy drink negatibo sa unang pagsusuri ng PDEA
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Negatibo sa sangkap na cocaine ang energy drink na âRed Bull" batay sa unang pagsusuri na ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Bukod sa PDEA, nagsasagawa rin ng hiwalay na pagsusuri ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa Red Bull matapos maiulat na Hong Kong na may sangkap na cocaine ang energy drink na inangkat sa Australia. Sinabi nitong Biyernes ni Senior Undersecretary Dionisio Santiago, director general ng PDEA, na galing sa âWatson" pharmaceutical shop ang mga sampol ng Red Bull na ipinasuri sa laboratoryo ng ahensiya. âBased on the initial report from the PDEA Laboratory Service, the samples of (Red Bull Supreme) energy drink submitted by a pharmaceutical and health shop yielded negative results for the presence of cocaine," pahayag ng opisyal. Ayon sa BFAD, ang produkto ng Red Bull na ipinamamahagi ng Energy Food and Drinks (EFD) sa Pilipinas ay nanggagaling sa Thailand at hindi sa Australia. Sinabi ni Santiago na magsasagawa ng isa pang pagsusuri ang PDEA sa Red Bull at malalaman ang resulta nito sa Lunes. Inihayag din ni Derrik Carreon, tagapagsalita ng PDEA, na bukod sa Red Bull (Supreme), isasalang din sa pagsusuri ang iba pang energy drink na Red Bull Sugar-Free, Bacchus, I-On, at Lipovitan. âNaniniguro lang naman kami. Letâs just wait for other results. Anyway, similar lang naman ang composition lahat niyan. We just have to look for cocaine," ayon kay Carreon na nagsabing posibleng madagdagan ang listahan ng susuriing energy drink. Pinayuhan din ng PDEA ang publiko na iwasan muna ang pag-inom ng mga energy drink hanggat hindi pa pinal ang mga ginagawang pagsusuri. âThe PDEA joins its counterparts from the BFAD in warning the public to exercise extreme caution in consuming any energy drinks pending the final results of the tests on these products," paalala ni Santiago. Matapos pumutok ang ulat na may bahid ng cocaine ang Red Bull, nagdesisyon kaagad ang Philippine Association of Supermarkets (PASI) na alisin muna sa merkado ang naturang produkto. Inihayag din ni BFAD Director Leticia Gutierrez na patuloy na imomonitor ng ahensiya ang mga energy drinks sa mga pamilihan. "Yung aming inspector pina-market monitoring namin. Nagpakuha kami ng samples ... tuloy ang market monitoring to find out kung may papasok sa merkado galing Australia. Right now ang nakita ng aming inspector ang gawa sa Thailand," ayon kay Gutierrez. Ipinasusuri na rin umano sa laboratoryo ng BFAD ang sampol ng Red Bull na nanggaling sa Thailand. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular