ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
4 na hinihinalang kidnapper patay sa shootout
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Sinasabing nakipagbaril sa mga pulis sa Paranaque nitong Huwebes ang apat na lalaki na hinihinalang sangkot sa pagkidnap ng isang Filipino-Chinese sa Quezon City noong Miyerkules. Sa ulat ng dzBB radio, hindi umano tumigil ang mga suspek na sakay ng isang kotse nang parahin ng mga pulis sa nakalatag na sa checkpoint sa Diosdado Macapagal Boulevard sa bahagi ng Parañaque. Dalawa umano sa mga suspek ang kaagad na bumaba ng sasakyan at pinaputukan ang mga awtoridad na gumanti ng putok. "In-establish nating checkpoint di nila pinansin, tumuloy pa rin sila... Ang dalawa bumaba sa madilim na area, tumuloy ang sasakyan hanggang nahabol ng mobile car," pahayag ni Directorate for Integrated Police Operations for Southern Luzon head Senior Superintendent Federico Laciste Jr. sa panayam ng dzBB radio. Sa pamamagitan ng mga nakuhang identification card sa mga suspek, kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Ortega, residente ng San Mateo, Rizal; Alberto Choi, ng Angono, Rizal; Emmanuel Pineda; at Eric Bugtol. Si Bugtol ay nagawa pa umanong dalhin sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Hinihinala naman ng pulisya na si Pineda ang lider ng grupo. Inaalam din kung aktibo itong sundalo dahil sa nakuhang ID ng Armed Forces of the Philippines Savings and Loan Association Inc. (AFPSLAI). Ayon kay Laciste, kasangkot umano ang grupo ni Pineda sa pagdukot kay Gerald Lao Tiu sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga. Hapon ng Miyerkules nang masagip ang biktima sa Rodriguez (Montalban), Rizal. Nakuha din umano sa kotseng ginamit ng mga suspek na Nissan Sentra (TFR-968) ang ilang gamit ni Lao Tiu tulad ng ATM cards at credit cards, driverâs license, at membership card sa Quezon City Sports Club. Ang naturang kotse ay nakarehistro umano sa isang Francisco Oban sa Sampaloc, Maynila. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular