ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pacquiao binalaang mabigat ang makakalaban sa 2010 polls
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Walang nakikitang masama ang kongresistang nagpataob kay Pinoy boxing hero Manny Pacquiao noong 2007 elections sa South Cotabato kaugnay sa plano ng tinaguriang âpambansang kamao" na muling sumabak sa pulitika sa May 2010 polls. Ngunit pinaalalahanan ni South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio na mabigat din ang angkan na makakalaban ni Pacquiao kapag tumakbo itong kongresista sa Saranggani. Una rito, idineklara ni Pacquiao na wala ng atrasan ang kanyang pagsabak sa pulitika sa kabila ng pagtutol ng marami kabilang na ang kanyang tagapayo na si Environment Secretary Lito Atienza. Nasa ikatlo at huling termino na si Saranggani Rep. Erwin Chiongbian, at inaasahang isang kapamilya nito ang itatapat nila kay Pacquiao. Sa naunang panayam, inamin ni Chiongbian na mabigat na kalaban si Pacquiao dahil sa kasikatan nito at sa malaking kinita sa boxing. Ngunit hindi umano nila basta isusuko ang distrito sa âpambasang kamao." âThis is politics, different from boxing. If itâs boxing, I give up," ayon sa 65anyos na si Chiongbian. Tutol din si Speaker Prospero Nograles Jr., na pumasok sa putilika si Pacquiao ngunit wala umanong makapipigil sa kinikilalang âpound for pound king" sa boxing kung magdesisyon itong tumakbo sa eleksyon. âHe keeps on saying that he wants to help the poor, but he can do it by not entering the dirty world of politics. He is now being idolized not only by Filipinos but by people in different parts of the world," ayon kay Nograles. âIn politics, he could only earn enemiesâ¦it would be better if he would stick to the sport which he knows best," idinagdag ng lider ng mga kongresista. Pinayuhan din ni Antonino-Custodio sa Pacquiao na pag-aralang mabuti ang mga papasuking negosyo at huwag basta makikinig sa mga tao sa paligid. Plano ni Pacquiao na mamuhunan ng multi-million-peso commercial/industrial project sa South Cotabato na inaasahang magbibigay ng libu-libong trabaho sa Mindanao. - GMANews.TV
Tags: mannypacquiao, erwinchiongbian
More Videos
Most Popular