ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SC Puno nagbabala sa 'pagputok' ng bayan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas nitong Biyernes, nagbabala si Chief Justice Reynato Puno sa napipintong pagputok ng âsocial volcano" dahil sa mga kontrobersiyang nagaganap sa bansa. Sa kanyang talumpati sa ika-111 taong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa (Andres) Bonifacio Monument sa Caloocan City, nanawagan si Puno sa mga Filipino na paghilumin ang pagkakawatak-watak ng bansa. "Nararapat na pigilin ang napipintong pagsabog ng isang social volcano sa ating bayan," ayon sa Punong Mahistrado na nagsabing walang dahilan para ipagdiwang sa ngayon ang kalayaan. "Let us heal the land, hilumin natin ang sugat ng pagkakawatak-watak," idinagdag niya. Kinastigo ni Puno ang umanoây katiwalian sa gobyerno, bangayan ng mga opisyal at hindi paggalang sa mga umiiral na batas. Dahil sa mga nagaganap na usapin sa lipunan, inihalintulad niya ang bansa sa isang bulkan na tila handa na umanong sumabog. "âWag na tayong nagbabangayan,â wag na tayong nag-insultuhan, âwag na tayong magbabatuhan ng putik," apela ni Puno sa harap ng mga taong nakiisa sa pagtitipon na pinangunahan ni Caloocan Mayor Enrico Echiverri. "Isang bansa na hindi sinusunod ang mga batas, isang bansa na sirang-sira ang moralidad dahil sa corruption," idinagdag niya. "Walang tunay na katwiran para magdiwang ng kalayaan kung ganito ang kalagayan ng Inang Bayan," pagdiin ni Puno. Kamakailan ay pinangunahan ni Puno ang paglulunsad ng âmoral force movement" na inakala ng ilan na gagamiting behikulo ng punong mahistrado sa pagtakbo niya bilang presidente sa 2010 elections. Ngunit sa kabila ng ilang panawagan na tumakbo sa eleksyon, nanindigan si Puno na tatapusin ang kanyang termino bilang mahistrado ng Korte Suprema. Inaasahan na makararating sa SC ang usapin sa ipinasang resolusyon sa Kamara de Representantes na nagpapatawag ng constituent assembly (Con-ass) na gagamiting paraan upang amyendahan ang Saligang Batas. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular