ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Talent manager ni Richard Gomez nakitang patay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Natagpuang walang buhay nitong Sabado sa kanyang bahay sa Lucban, Quezon si Douglas Quijano, kilalang talent manager ng mga sikat na artista kabilang na si Richard Gomez. Sa panayam ng QTVâs Balitanghali, sinabi ng TV host na si German Moreno na nakitang walang buhay si Quijano sa kama ng kanyang bahay sa Lucban dakong 10 am. Hindi pa tiyak kung ano ang ikinamatay ng 64-anyos na si Quijano ngunit hinihinala ni Moreno, kabigan ng nasawi, na posibleng inatake ito sa puso. âAng nasabi lang sa akin, si Douglas walang bawal sa kinakain, isa siguro âyun sa reasons bakit hindi siya nag-ingat sa kakainin," ayon kay Moreno. Sinabi naman ni Lucy Torres-Gomez, asawa ni Richard, at talent din ni Quijano, na diabetic si Douglas. âNag-alala kami lagi sa eating habits niya kasi diabetic siya. The last two years, regular na siyang nagpapa-checkup," pahayag ni Lucy. Malaking kawalan umano sa industriya ng showbiz ang pagkawala ni Quijano, ayon sa dalawa. âNakakalungkot din kasi marami siyang tinutulungang artista. Malaki ang kontribusyon niya sa industriya," ayon kay Moreno. âIn the industry, heâs well-liked, heâs well-loved," idinagdag ni Lucy. Sinabi ni Moreno na wala pang detalye kung saan ibuburol si Quijano pero tiyak umanong inihahanda na ito ng kanyang mga talent na tinulungan niyang makilala sa showbiz. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular