ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bantay A(H1N1): Kaso sa RP umabot na 861; Metro Manila namumuro sa level 3


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Lalong bumibilis ang pagdami ng kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) sa Pilipinas matapos makapagtala ng 134 bagong nahawahan ng virus para sa kabuuang 861 kaso. Sa ulat ni GMA news reporter Mark Salazar sa primetime newscast na 24 Oras nitong Biyernes, sinabi nito na karamihan sa mga bagong kaso ay nanggaling sa Metro Manila. Dahil dito, namumuro na umano na itaas sa level 3 ang kasalukuyang level 2 ng medication response sa Metro Manila kung saan ititigil na contract tracing at titipirin na rin ang pagsasagawa ng pagsusuri sa mga hinihinalang kaso ng A(H1N1). “Hindi kagaya dati na lahat ng symptoms at may potential history of exposure kinukunan ng troth swab. It’s the time you don’t need to have contract tracing anymore," paliwanag ni Dr Yolanda Oliveros, Director ng Department of Health- National Center for Disease Prevention and Control.

“Nang una kasi wala tayong kaso so hindi natin magawan ng maayos na costing, so ngayon marami na tayong cases nakikita na natin kung magkano talaga ang gastusin."
– Health Secretary Francisco Duque III
Kapag umabot na sa level 3 ang kaso ng A(H1N1) sa Metro Manila, sinabing hindi na ito kakayanin ng DOH na mag-isa at dapat tumulong na ang lokal na pamahalaan at pribadong pagamutan. “We are continuously training our local health workers and our barangay response team in order to encourage them to manage the cases appropriately," idinagdag ni Oliveros. Kasabay nito, isiniwalat ni Health Secretary Francisco Duque III na ibinaba na sa P25,000 mula sa dating inanunsyong P150,000 ang health insurance coverage sa PhilHealth para sa mga pasyenteng positibo sa A(H1N1). “Nang una kasi wala tayong kaso so hindi natin magawan ng maayos na costing, so ngayon marami na tayong cases nakikita na natin kung magkano talaga ang gastusin," paliwanag ng kalihim. Nilinaw din ng DOH na tanging mga pasyante lamang na mararatay sa ospital dahil sa A(H1N1) ang maaaring makakuha ng insurance sa PhilHealth. - Fidel Jimenez, GMANews.TV