ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Singil sa cellphone calls mas mamahal kapag ginawang per-second
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nagbabala ang isang telecommunication company na mas tataas ang singil sa tawag sa cellular phone kapag ipinatupad ang mungkahi ng National Telecommunication Commission (NTC) na gawing per-second ang singil sa tawag sa halip na per-minute. Sa isinagawang technical working group meeting sa Senado nitong Miyerkules, iprinesinta ni Atty. Ruel Canobas, chairman ng NTC, ang draft memorandum na gawing per-three-second ang singil sa tawag sa cellphone sa halip na bawat minuto. Ngunit sa ulat ni GMA Reporter Ruth Cabal sa primetime newscast na 24 Oras, sinabing posibleng mas lalong mapamahal ang mga subscriber sa singil na per-second dahil mapipilitan umano ang mga telcos na magpataw ng âcost of setup" rate na katulad ng âflag down" rate sa taxi. Paliwanag ni Atty Rodolfo Salalima, chief legal counsel ng Globe Telecom, na simula sa pag-ring ng cellphone ay nagsisimula na rin umanong gumastos ang mga telcos kahit hindi pa ito sinasagot ng tinatawagan sa kabilang linya. âHindi pa nga sumasagot pag nagri-ring yan just to capture the other (line) gumagastos na ang kami nâyan, umaandaar na ang gasoline...bago ka mag-say hello tumakbo na kasi hinanap ka naming. That is why ang flag down natin mas mataas sa subsequent calls," ayon kay Salalima. Hindi pa masabi ni Salalima kung magkano ang magiging singil ng Globe sa âcost of setup" pero kung pagbabatayan umano ang singil ng ibang telcos sa Asya na gumagamit ng âper-second" na singil sa tawag, aabot ito sa P18-P24 bawat minuto. Higit na mahal ito kumpara sa P6 per minute na singil ngayon ng Globe, ayon sa ulat.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, masusi umanong pag-aaralan naman ng Smart Communication ang draft memo ng NTC. Ngunit iginiit ni Canobas na nakasaad sa memo ng NTC na dapat mas mababa ang magiging resulta ng singil sa bawat segundo na tawag kaysa kasalukuyang bawat minuto. Apela ibinasura Kasabay nito, ibinasura ng NTC ang apela ng mga telcos hinggil sa ipinalabas na memorandum circular na nag-aatas na palawigin ang expiration date ng mga pre-paid load at ipagbawal ang mga âspam" messages. Sa panayam pagkatapos ng isinagawang pagdinig ng technical working group na tumatalakay sa problema sa subscriberâs load, sinabi ni Canobas na kailangang ipatupad kaagad ang memorandum circular. Wala umano ibibigay na extension ang ahensiya sa kautusan sa kabila ng apela ng telecommunications companies na palawigin ang deadline na July 20, labing limang araw matapos ipalabas ang memorandum. âWala na (extension) kasi nai-publish na namin iyan sa diyaryo. That is our order, we have to implement our order," ayon kay Canobas. Nakasaad sa kautusan ng NTC na papatawan ng P200 multa bawat araw sa bawat paglabag ang sinumang telcos na hindi tutupad sa kautusan. Kabilang dito ang bagong memorandum na nagbabawal sa pagpapadala ng spam messages nang hindi nalalaman ng subscriber. Iginiit pa ng opisyal na kahit maghain ng petisyon ang telcos sa korte, mahigpit na ipatutupad ng NTC ang dalawang bagong kautusan kapag nagkabisa na ito. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular