ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bata sa maleta si Geraldine Palma – NBI
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Kinumpirma sa pamamagitan ng DNA test na si Geraldine Palma ang batang babae na nakitang patay at nakasilid sa isang maleta habang lumulutang sa breakwater sa Tundo, Maynila noong Agosto 2007. Sa pulong balitaan nitong Miyerkules, sinabi ni Atty Reynaldo Esmeralda, deputy director for technical services ng National Bureau of Investigation (NBI), na nagtugma ang DNA samples ni Palma at ng kanyang ina na si Felma Estravela. Ang International Commission on Missing Persons sinasabing nagsagawa ng pag-analisa sa DNA ng mag-ina. Si Palma, pitong-taong-gulang, ay nawala noong Agosto 11, 2007. Sinasabing ang yaya nito na si Marites Ontog ang huling kasama ng biktima nang umalis sa kanilang bahay sa Pasig City. Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Ontog at may mga ulat din na pinaslang na ito. Naniniwala ang NBI na ang nangyari kay Palma ay isang kaso ng bulinyasong kidnap for ransom. âThis was a case of bungled kidnapping for ransom. From P10 million ransom, the family negotiated to reduce to P240,000. But it failed and Geraldine was killed," pahayag ni Special Investigator III Darwin Francisco. Bumagal ang imbestigasyon sa kaso dahil sa pagdududa ng mga magulang ng biktima na ang batang nakita sa maleta ay hindi si Palma. âThe DNA test confirmed that it was Geraldine and that her mother is Felma Estravela but the father is not Gerald," ayon kay Esmeralda. Dahil sa bagong impormasyon sa kaso, sinabi ni Esmeralda na sususugan nila ang impormasyon sa isinampang kaso sa Manila Regional Trial Court (RTC) upang gawing kidnapping with homicide ang reklamo mula sa dating kidnapping with rape. Napag-alaman na hindi hinalay ang biktima taliwas sa unang inakala. Pag-iibayuhin din umano ng NBI ang paghahanap kay Ontog na mayroon nang nakahain na arrest warrant. Ngunit batay sa mga dating panayam sa kanyang kamag-anak, sinabing pinatay na rin ang yaya batay sa natanggap nilang text message sa hindi kilalang tao. Ilang lalaki sa Tundo ang dinakip kaugnay sa kaso ni Palma kabilang sina Gerry Igos at Renato Bohol, na kapwa itinanggi na may nalalaman sila sa karumal-dumal na krimen. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular