ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Negosyo sa gamot lalakas kapag ipinatupad ang price cut - DOH
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Sa halip na mabawasan, posibleng lalo pang lumaki ang kita ng mga kumpanya ng gamot kapag naipatupad ang price cut sa 21 pangunahing medisina na kasama sa listahan ng maximum retail prices (MRP) alinsunod sa Republic Act 9502 (Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act). Sinabi nitong Martes ni Robert So, national drug policy program manager ng Department of Health, lalong lalakas ang bentahan ng mga gamot kung magiging abot-kaya ang presyo nito. "Madadagdagan ang kita nila, kaya âdi ko alam kung bakit nila (pharmaceutical companies) sinasabing mababawasan ang kita nila kapag nagbawas ng presyo.... Sabihin nating sa kasalukuyang P50 na presyo, maaaring isa lang ang makabibili, pero kung P25, maaaring tatlo na ang bibili. Baka kumita sila lalo kasi by volume ang pagbili," paliwanag ni So sa panayam ng dzBB radio. Ginawa ni So ang pahayag bilang reaksyon sa deklarasyon ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na makaaapekto sa kanilang negosyo ang ipatutupad na price cut. Una rito, nagbabala si PHAP President Oscar Aragon na posibleng magbawas ng manggagawa at operating cost ang mga kumpanya ng gamot lalo na ang mga maliliit kapag ipinatupad na ang 50 porsiyentong bawas presyo. Ngunit hindi kinagat ni So ang babala ni Aragon. "Kikita pa rin dahil maraming makikinabang na mga kababayan natin pati na yung mga mabababa ang sweldo kaya na ring bumili ng gamot na dati hindi nila kaya."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ni So na ang presyo ng gamot sa Pilipinas ang isa sa pinakamahal sa buong mundo. "So far, based on the policy na ibinigay ng ating kalihim sa Department of Trade and Industry (DTI) at DOH, siyempre âdi tayo puwede magkompromiso sa 50 percent price cut sa 21 na mga gamot," pagdiin ng opisyal. Nitong Lunes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na plano niyang isumite kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Miyerkules ang draft executive order na maglalaman ng magiging presyo ng 21 âessential medicines" na karamihan ay gamot sa high blood, sakit sa puso at iba pang nakamamatay na sakit. Pumayag na ang mga kumpanya ng gamot na boluntaryong kaltasan ng kalahati ang presyo ng 15 sa 21 âessential medicines." Dahil dito, presyo na lamang para sa anim na gamot ang didiktahan ng pamahalaan. Ngunit nagmungkahi ang mga kumpanya ng langis na ibang uri na lamang ng gamot ang babawasan nila ng presyo sa halip na mga gamot na nakalista sa MRP. Subalit hindi pinaboran ng DOH sa mungkahi ng mga pharmaceutical companies. "Baka ginagamit tayo para ma-promote ang âdi nila maibebentang gamot. sinusuri natin âyan along with DTI," ayon kay So. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular