ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Denque sa WVisayas kumitil ng 24 tao mula Enero


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umabot na umano sa 24 tao ang nasawi sa sakit na dengue sa Western Visayas simula noong Enero hanggang ikalawang linggo ng Hulyo ng taong kasalukuyan. Sa online news site na The News Today, iniulat ng Department of Health (DOH) na umabot sa kabuuang 1,515 ang kaso ng dengue sa Western Visayas simula Enero 1 hanggang Hulyo 11. Pinakamarami nito ay naitala sa Iloilo City kung saan umaabot sa 447 ang kaso ng dengue at 16 sa mga pasyente ang namatay. Tinukoy ng DOH ang tatlong barangay sa lungsod na may pinakamaraming kaso ng dengue ay ang Sto. Niño, Arevalo; San Juan, Molo at Veterans Village. Naganap umano ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng dengue sa kabila ng panawagan ni Mayor Jerry Treñas sa publiko na tumulong sa kampanya laban sa sakit. Sa ulat ng DOH Region 6, sumunod ang Negros Occidental sa Iloilo City sa may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot sa 346 kaso at dalawang pasyente ang nasawi. Samantala, umabot sa 333 ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Iloilo kung saan lima ang pumanaw. Kasama rin ang Bacolod City (203 dengue cases, no death); Capiz (80 cases, one death); Aklan (43 cases, no death); Guimaras (33 cases, no death); at Antique (anim na kaso). Mas mataas umano ng 24 porsyento ang kaso ngayon ng dengue sa naturang rehiyon kumpara noong nakaraang tao. - GMANews.TV

Tags: dengue