ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Roxas pinayuhan na amyendahan ang cheaper medicine law
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Sa halip na magalit sa ginawang pasaring ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, pinayuhan ng dating kongresista si Sen. Manuel Roxas II na makipagtulungan sa mga mambabatas para amyendahan ang Cheaper Medicines Act. Ang pahayag ay ginawa ni dating Iloilo Rep Rolex Suplico, kasalukuyang bise gobernador ng lalawigan, matapos isama ni Arroyo sa kanyang talumpati sa State of the Nation Address ang pasaring sa kanyang mga kritiko pati na ang pagsisiwalat na mas kinatigan niya ang bersyon ng Kamara de Representantes sa cheaper medicine law kaysa bersyon ni Roxas sa Senado. Ang bersyon ng panukalang batas sa Kamara ang naglalaman ng probisyon para ipatupad ang price regulation ng mga gamot na nabura sa pinal na bersyon ng batas. Hinarang ng mga senador sa bicameral conference committee hearing na pinamunuan ni Roxas ang pagbuo ng price regulatory council dahil sa paniwala na sapat na ang isinusulong na parallel importation upang mapababa ang presyo ng gamot sa bansa.
President Arroyo was just being honest. She is not Congress, nor is she a member of Congress. Sen Roxas killed the Cheaper Medicines Act by surgically removing the mandatory drug price regulationâ¦
â Iloilo vice gov Rolex Suplico
Sinabi ni Suplico, dating awtor ng panukala, may katwiran si Gng Arroyo na batikusin si Roxas dahil umano sa hangad ng senador na makuha ang papuri sa ipinasang cheaper medicines act. âPresident Arroyo was just being honest. She is not Congress, nor is she a member of Congress. Sen. Mar Roxas killed the Cheaper Medicines Act by surgically removing the mandatory drug price regulation. Thus, from puwersahan, naging pakiusap na lamang ang batas. Mar should be blamed for this act of betrayal. Dapat tumulong siya para amyendahan ito," ayon kay Suplico. Iginiit naman ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, kapartido ni Roxas sa Liberal Party (LP), na dapat ibinasura ni Gng Arroyo ang panukala sa pamamagitan ng pag-veto nito kaysa ibato ngayon sa senador ang sisi kung bakit hindi kaagad naging epektibo ang panukala.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âWell ang bottom line naman dito, pumasa âyung batas na version ni Sen. Roxas. Puwede naman i-veto âyun kung sakaling talagang ayaw, ibig sabihin meron pa rin siyang kumpiyansa ng panahon na âyun, na ang batas ay tama. So sa tingin ko rin naniniwala ako na tama ang batas," paliwanag ni Biazon. Una rito, sinabi ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron, awtor ng panukala sa bersyon ng Kamara, na 1,600 gamot ang posibleng bumaba ang presyo kung hindi hinarang ni Roxas ang isinusulong nilang automatic price regulation. âI believe the President would simply want to give credit were credit is due. Mar Roxas was never the original advocate for Cheaper medicines," ayon kay Biron. Kapalit ng pagkawala ng automatic price regulation, binigyan na lamang ng kapangyarihan ang pangulo na magtakda ng maximum retail price sa ilang piling gamot na irerekomenda ng Department of Health sa pamamagitan ng pagpapalabas ng executive order. - GMANews.TV
President Arroyo was just being honest. She is not Congress, nor is she a member of Congress. Sen Roxas killed the Cheaper Medicines Act by surgically removing the mandatory drug price regulationâ¦
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âWell ang bottom line naman dito, pumasa âyung batas na version ni Sen. Roxas. Puwede naman i-veto âyun kung sakaling talagang ayaw, ibig sabihin meron pa rin siyang kumpiyansa ng panahon na âyun, na ang batas ay tama. So sa tingin ko rin naniniwala ako na tama ang batas," paliwanag ni Biazon. Una rito, sinabi ni Iloilo Rep. Ferjenel Biron, awtor ng panukala sa bersyon ng Kamara, na 1,600 gamot ang posibleng bumaba ang presyo kung hindi hinarang ni Roxas ang isinusulong nilang automatic price regulation. âI believe the President would simply want to give credit were credit is due. Mar Roxas was never the original advocate for Cheaper medicines," ayon kay Biron. Kapalit ng pagkawala ng automatic price regulation, binigyan na lamang ng kapangyarihan ang pangulo na magtakda ng maximum retail price sa ilang piling gamot na irerekomenda ng Department of Health sa pamamagitan ng pagpapalabas ng executive order. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular