ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pagsagip sa 17 OFWs sa disyerto ng Kuwait iginiit ng senador
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hiniling ng isang senador sa pamahalaan na obligahin ang dalawang recruitment agencies na gastusan ang pagpapauwi sa may 17 overseas Filipino workers (OFWs) na kinuha nilang para magtrabaho sa isang kumpanya na gumagawa ng semento sa Kuwait. Batay umano sa nakalap na impormasyon ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada, miserable na ang buhay ng 17 OFWs sa Kuwait at nanghuhuli na lamang ng bayawak at iba pang hayop sa disyerto mula nang hindi na sila pasahurin ng kanilang kumpanya na Medco Cement and Asphalt Factory noong Mayo. Sinabi ni Estrada, chairman ng Senate committee on labor, na dapat tutukan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga recruiter na Non-Stop Overseas Employment Agency Corp.. at SMA and Achiever Manpower para sunduin ang mga OFWs. Nais din ng senador na ipa-black list ang Medco Cement and Asphalt Factory kung saan nagtatrabaho ang mga OFWs bilang mga machine operator. âThis Medco company, according to information that reached my office, has literally enslaved our OFWs, grossly violated their labor and human rights and actually treated them very, very inhumanely," ayon kay Estrada. Inihayag ni Estrada na naipalabas na sa local television sa Kuwait ang kalagayan ng 17 OFWs na pawang walang perang pambili ng pagkain, at umaasa na lamang sa tulong ng ibang kababayan. Natigil na rin umano sa pag-aaral ng mga anak ng OFWs dahil wala na silang maipadalang pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nanunuluyan ang mga OFW sa isang container van nang walang tubig at walang air-conditioning unit sa lugar na umaabot sa 47 degrees Celsius ang temperatura. âThis is what the Medco company has given to our OFWs. This company should be blacklisted and forever banned from hiring our workers. Meanwhile, as we help pursue settlement of the financial claims of the OFWs as well as cases against this company, we must exert all efforts to immediately save these distressed Filipinos and repatriate them," pahayag ng senador. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular