Kilala sa Katipunan bilang si ‘Di Kilala’
Kilala nyo ba kung sino ang katipunero na gumamit ng alyas na âDi Kilala" nang umanib siya sa kilusan ng mga rebolusyunaryo na lumaban sa mga Kastila para makamit ang kalayaan ng Pilipinas? Si âDi Kilala,â ay si Severino de las Alas, na isinilang sa Cavite noong Enero 1851. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya ngunit hindi niya natapos dahil sa hangaring magturo. Itinayo niya ang sangay ng Colegio de San Juan de Letran sa Indang. Nang umigting ang hidwaan sa Katipunan sa grupo nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio, gumawa ng paraan si De las Alas na ayusin ang gusot sa pamamagitan ng pagbuo ng patakaran sa pagkakaisa ng kilusan. Nagsilbi si De las Alas bilang Director of Grace and Justice sa isinagawang asembliya ng Katipunan sa Cavite. Nang bumagsak ang Indang sa kamay ng mga Kastila, sumama siya sa sandatahang lakas ng grupo ni Aguinaldo sa Biak-na-Bato. Kabilang si âDi Kilala" sa mga pumirma sa makasaysayang kasunduan sa Biak-na-Bato noong 1897. Pagkalipas nito ay itinalaga siyang Director of Interior sa itinatatag na central government alinsunod sa binuong Malolos Constitution. Taong 1910 nang bumalik sa Indang si De las Alas kasama sina Mariano Trias at Ladislao Diwa upang kilalanin ang pamamahala ng mga Amerika. Sa kanyang pagbabalik, muling ipinagpatuloy ni De las Alas ang pagtuturo at pagpapahusay ng edukasyon sa lalawigan. Namahagi siya ng mga lupa na pinagtayuan ng mga paaralan, nagsilbi rin siyang lokal na opisyal sa Indang, at tumakbong gobernador ng Cavite ngunit natalo. Nobyembre 1918 nang pumanaw ang katipunerong kinilala bilang si âDi Kilala." - Fidel Jimenez, GMANews.TV