ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bahay ng National Artist na si Lumbera ‘tiniktikan’ ng militar
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang intelligence officer ng Philippine Marines ang dinakip nitong Huwebes matapos mabistong nagmamanman sa bahay ng National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera. Sa panayam ng dzBB radio, sinabi ni Lumbera na namataan ng kanyang kasambahay na may tatlong lalaki na kumukuha ng larawan sa kanyang bahay sa Brgy Mapayapa sa Quezon City dakong 6 a.m. "Kinukuhaan ang harap ng bahay namin at all angles⦠at yung sa amin lang ang kinuhaan," pahayag ni Lumbera na patungo na sa Malacañang para dumalo sa awarding ceremony habang kinakapanayam. Matapos malaman ang ginagawang pagkuha ng larawan sa kanyang bahay, tinawagan umano ni Lumbera ang security group sa kanilang lugar at nadakip ang isa sa tatlong sundalo. Maluwag umano ang seguridad sa kanilang subdibisyon dahil may kalapit na kapilya sa kanyang bahay na bukas sa publiko. Batay sa nakuhang identification card sa nadakip na lalaki, nakilala ito na si "Hannibal Guerrero." Sinabi ni Lumbera na magulo ang sagot ng lalaki nang tanungin sa pakay sa pagkuha ng mga larawan. "Magulo ang sagot niya nang tinanong ng security namin⦠Interesado raw siya sa vacant lot sa amin pero ang bahay namin ang kinukuhaan ng litrato," ayon sa national artist. Kabilang si Lumbera sa mga National Artists na tutol na paggawad ng naturang parangal sa comics writer at director na si Carlo J. Caparas. Dahil sa protesta ng grupo ni Lumbera, nagpalabas ng kautusan ang Korte Suprema noong August 25, na pumigil sa paggagawad ng parangal bilang alagad ng Pambansang Sining sa pitong napili ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ngayong taon â kasama na si Caparas. Bahagi ng âintelâ training Kinumpirma nitong Huwebes ni Lt. Col. Edgard Arevalo, na miyembro ng Marines ang nadakip na si Cpl. Hannibal Mosura Mondido Guerrero. "We are confirming that we have a Marine personnel with [that] name⦠We are also confirming that he was the one brought to police custody," pahayag ni Arevalo sa panayam ng GMANews.TV sa telepono. "We clarify, however, that his presence (inside the village) was not in any way meant to spy on Lumbera," paglilinaw nito. Sinabi ni Arevalo na ang ginawa ni Hannibal ay bahagi ng âpagsasanay" ng mga sundalo para magmanman sa Naval Intelligence Security Force ng militar. Kasama umano sa aktibidad na bigyan ng mga address ang mga sundalo upang magsagawa ng âmock surveillance operations." "Under the âscenario,â they are told that the house was visited by a leftist insurgent and they are tasked to verify the report," ayon kay Arevalo. Gagawa rin umano ng paraan si Arevalo upang maipaabot kaagad kay Lumbera ang paghingi ng paumanhin. Si Lumbera ay pinuno ng Concerned Artists of the Philippines at national council member ng militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). "We would like to apologize to Professor Lumbera for the inconvenience and we would like to assure him that what happened was not intentional," ayon kay Arevalo. Inatasan na rin umano ng Malacanang ang Armed Forces of the Philippines na alamin ang tunay na pangyayari sa pagkuha ng mga larawan sa bahay ni Lumbera. â GMANews.TV
Tags: Bienvenidolumbera
More Videos
Most Popular