ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bagyong 'Ondoy' papalapit na sa Catanduanes – Pagasa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nanatili ang lakas ng bagyong "Ondoy" habang patuloy na tinutumbok ang lalawigan ng Catanduanes sa Bicol region nitong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Sa ipinalabas na ulat ng Pagasa nitong hapon ng Huwebes, si "Ondoy" ay tinatayang nasa 330 km silangan hilagangsilangan ng Virac, Catanduanes dakong 2 p.m. Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 55 kph malapit sa gitna at kimukilos sa bilis na 11 kph sa direksyon ng kanluran hilagangkanluran. "Southern Luzon and Visayas and Mindanao will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming frequent rains over the Western section which may trigger flashfloods and landslides," ayon sa Pagasa. Idinagdag ng Pagasa na magiging maulap ang kalangitan sa nalalabing habagi ng bansa, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Si âOndoy" ang ika-15 bagyo na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sa taong ito. Sa ipinalabas na ulat ng Pag-asa noong Setyembre 12, nagbabala ito na posibleng anim na bagyo pa ang tatama sa Pilipinas bago matapos ang 2009. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular