ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Buwaya nakita raw sa baha sa Cainta
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang hinihinalang buwaya ang nakunan ng larawan na lumalangoy sa baha sa Cainta, ayon sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Sa panayam ng news anchor na si Mel Tiangco, sinabi ng nakuha ng larawan na si Michael Lambert na nakita niya ang buwaya nang bisitahin ang kaibigan sa Cainta Greenpart Village noong Linggo ng gabi. Ayon kay Lambert, lampas tuhod umano ang baha na nilalakaran nila papunta sa bahay ng kanyang kaibigan nang maaninag sa dilim ang isang lumulutang na bagay. âMalapit na kami actually sa bahay ng friend namin siguro one block away na lang, tapos may nakita kami, its pitch black kasi may nakita lang kami na parang lumulutang sa harap namin tapos nung inilawan namin ng flashlight nagulat talaga kami, buwaya," kuwento nito. Sinabi nito na hindi sila nag-panic ng kanyang kasama sa takot na mabulabog ang pinapaniwalaang buwaya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âHindi talaga kami nag-panic externally, talagang nag-walk back kami kasi mabilis lumangoy yun. Tapos hinintay na lang namin na medyo lumayo, umakyat kami sa parang elevated piece of soil o putik, dun ko na nakunan ng picture," patuloy niyang kuwento. Iginiit ni Lambert na harapan niyang nakita na buwaya ang lumulutang nang usisain ni Tiangco. âNoâng una hindi namin alam baka laruan lang o crocodile so ang ginawa namin nang lumayo kami sabi ko sa friend, yung kasama ko kumuha ka ng bato tapos batuhin mo siya kung gagalaw," ayon kay Lambert. âNang binato namin hindi siya gumalaw na abruptly pero yung tail nâya nag-wiggle then very slightly so doon na namin (nasabi) na ay totoo âto," pahayag pa ni Lambert. Nang tanungin ni Tiangco kung hindi nito inimbento o likha ng photo shop sa computer ang larawan, sagot ni Lambert, âHindi ako marunong mag-photo shop ng ganyan." â GMANews.TV

More Videos
Most Popular