ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tambalang Erap-Binay sa 2010 polls kinumpirma
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Kinumpirma ni Senate President Juan Ponce Enrile na tuloy ang pagtakbo sa 2010 presidential elections ni dating Pangulong Joseph Estrada at magiging katambal nito si Makati Mayor Jejomar Binay. Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, sinabi ni Enrile na ihahayag ni Estrada ang tambalan nila ni Binay sa tamang panahon. "Sa palagay ko done deal na yun," ayon kay Enrile, chairman emeritus ng partidong Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) na itinatag ni Estrada. Si Binay ang kasalukuyang presidente ng PDP-Laban ng United Opposition (UNO), na pangunahing kritiko ng administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo. Ang pahayag ni Enrile ay sinuportahan naman ni Senate President Pro Tempore Jose "Jinggoy" Estrada, anak ng dating pangulo. "Yes, it is," simpleng tugon ng nakababatang Estrada nang tanungin tungkol sa Erap-Binay tandem. Inihalintulad ni Enrile ang tambalan nina Erap-Binay sa mga sasabunging manok. "Magagaling, kung sa pintakasi yan ay meron din kaming manok na Texas. Alam mo itong eleksyon na ito, itâs a joust. It is a political joust, maiwan ang matibay," ayon sa lider ng Senado. Wala naman masabi si Enrile kung sino ang maituturing pinakamabigat na kalaban ni Estrada. Bukod kay Estrada, ilan pa sa mga mapapabalitang tatakbong presidente sa hanay ng oposisyon ay sina Sen Manny Villar, Nacionalista Party; Sen Benigno âNoynoy" Aquino III, Liberal Party; Sen Francis Escudero, Nationalist Peoples Coalition; at ang itinuturing manok ng administrasyon na si Defense Sec Gilbert Teodoro, Lakas-Kampi-CMD. Bagaman pitong buwan na lamang bago ang eleksyon, sinabi ni Enrile na mahaba pa ang panahon at marami pa rin ang puwedeng mangyari. Idinagdag ng senador na hindi rin dapat maliitin ang tiyansa ni Binay na kaya umanong humatak ng boto mula sa Ilocano at Ibanag, at mga alkalde sa buong bansa. Aminado si Enrile na kasama siya sa listahan ng posibleng maging kandidatong senador ng tiket ni Estrada. Ngunit hindi niya tiyak kung sino pa ang ibang makakasama sa senatorial line-up. Kabilang sa mga napapabalitang isasama sa tiket ni Estrada ay ang anak ng kanyang matalik na kaibigan na si Fernando Poe Jr., na si Grace Poe. "Hindi ko alam kung sasama siya sa amin, nababanggit din siya na kasama sa pangkat ni Sen. (Manuel) Villar. Alam ko na nasa pangkat namin siya sumasama dati," ayon kay Enrile. Una rito, inihayag ng kampo ni Estrada na magbibigay ito ng pahayag sa Oktubre 14, ngunit kalaunan ay inurong sa Oktubre 21. "He has in fact canceled all scheduled political activities in light of the recent calamities this week," ayon kay Margaux Salcedo, tagapagasalita ni Estrada. "October sana but it may change depending on how fast relief can be brought to those affected by Ondoy and Pepeng." Aminado naman si Enrile na hindi makakabuo ng kumpletong 12-man senatorial ticket ang PMP gaya ng ibang partido. "Malamang hindi (makakabuo), merong puwang âyan. Kung i-a-adopt ako ng lahat e OK lang sa akin yun. Pati kay Noynoy (Aquino) âpag ina-adopt ako sasabihin ko kay Noynoy, âSalamat Noynoy sa tulong moâ," ayon kay Enrile. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular