ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Operasyon ng dam, budget sa kalamidad ipinasusuri sa Senado
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hiniling ng ilang senador sa Senado na simulan kaagad ang isasagawang imbestigasyon sa pagpapakawala ng tubig sa dalawang malalaking dam na itinuturong dahilan ng paglubog sa baha ng maraming lugar sa Luzon. Samantala, nais naman ni Sen. Manny Villar na magkaroon ng malawakang pagsusuri sa lahat ng kinauukulang ahensiya sa kalamidad hinggil sa patakaran at kakayanan nito bago maglaan ng karagdagang budget. Sa magkahiwalay na panayam nitong Martes, iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na kailangan simulan na ang imbestigasyon sa pagpapakawala ng tubig sa mga dam upang mabigyan ng katarungan ang mga sinalanta ng pagbaha. âMaraming kakaharaping kaso ang dam operators tulad ng kasong kriminal, sibil at administratibo. Pero, kailangan muna natin na makasuhan sila ng sibil upang makabawi sa kanila ang mga sinalanta ng pagbabawas ng tubig sa dam sa kasagsagan ng dalawang bagyo," ayon kay Pimentel. Matatandaan na lalong tumaas ang tubig sa Kamaynilaan nang magbawas ng tubig ang Angat Dam at La Mesa Dam nang walang sa panahon sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong âOndoy." Samantalang maraming bayan sa Pangasinan at kalapit na lalawigan ang nalubog din sa baha dahil pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam sa Pangasinan nang manalasa si âPepeng.". âNgayon lamang nangyari sa amin na masyadong mabilis ang daluyong ng rumaragasang tubig, Kung ulan ito, mararamdaman mo na unti-unti ang paglaki ng baha, pero iba, mabilis ang pagtaas ng tubig, sa isang iglap lamang, lampas tao na ang tubig sa loob ng aming bahay," kuwento ni Pimentel na lumubog sa baha ang tahanan sa Marikina City. Gusto namang malaman ni Sen. Pia Cayetano kung sino ang nagdesisyon na magpakawala ng tubig sa dam habang kasasagsagan ng dalawang bagyo. âKung nangyari ito kay Ondoy, dapat may aral na silang natutunan para hindi mangyari ang ganito sa panahon ni Pepeng," aniya. âKailangan, malaman natin kung ano ang mga kondisyon kung bakit nagbukas ito. Dapat malaman kung may regulasyon, kasi lumalabas na sobra ang pagbuhos ng tubig."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kapwa naghanin ng kaukulang resolusyon sina Sen. Francis Pangilinan at Sen. Benigno Aquino III hinggil sa isasagawang imbestigasyon sa pagpapakawala ng tubig sa naturang dam. âI support the inquiry. Kasi, when we visited the provincial disaster council in Pangasinan, what was clear about the protocol in the release of the water was very vague at that time. So, we need to reexamine the procedures in these procedures during calamities which was exacerbated by human error. Walang malinaw na patakaran na ginagamit bilang standard operating procedures," ayon kay Aquino. Bago magdagdag ng pondo Nais ni Villar na magkaroon ng malawakang pagsusuri sa lahat ng kinauukulang ahensiya sa kalamidad hinggil sa patakaran at kakayanan nito bago maglaan ng karagdagang pondo sa kanilang ahensiya. Sinabi ng senador na lubhang nasurpresa ang pamahalaan ang matinding pinsala ng dalawang bagyong âOndoy" at âPepeng" na nagpapakita umano ng kahinaan at kalakasan ng mga ahensiya na dapat mangasiwa sa panahon ng kalamidad. âNaniniwala ako na maiiwasan kundi man, mababawasan, ang pinsalang idinulot ng bagyo at pagbaha na humagupit sa ating bansa kung nagagawa ng kaukulang ahensiya nang tama ang kanilang tungkulin," ayon kay Villar. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Villar na walang problema ang paglalaan ng mas malaking pondo sa mga ahensiya ngunit dapat na matukoy kung saan gagamitin ang pondo. Sinabi ni Villar na kabilang sa mga ahensiya na dapat bigyan ng dagdag na pondo ay ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) at National Disaster Coordinating Council. âKailangan tayong maglaan ng karagdagang pondo sa mahahalagang ahensiya, isa rito ang Pagasa na kapos sa modernong kagamitan. Ito ang ahensiya na nagbibigay ng mas mahusay na pagtataya sa lagay ng panahon at kung gaano karami ang babagsak na ulan," pahayag niya. Nais naman niyang dagdagan ang pondo ng NDCC na pambili ng mga rubber boats para sa pagsasagawa ng rescue operation ng sabay-sabay sa maraming lugar na maapektuhan ng pagbaha. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular