ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bagong bagyo nagbabanta na naman sa Luzon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – May nagbabantang bagyo na namataan ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Huwebes na patungo umano sa Hilagang Luzon-Taiwan area. Sa ulat ng Pagasa nitong Huwebes ng hapon, taglay ng namataang tropical depression ang pinakamalakas na hangin na 55 kilometer per hour malapit sa gitna. “The tropical depression over the Marianas Islands was estimated at 1,870 km east of Visayas with maximum sustained winds of 55 kph. It is moving west-northwest at 35 kph in the general direction of central and northern Luzon-Taiwan area," ayon sa Pagasa. Inaasahan na ganap na papasok sa teritoryo ng Pilipinas ang naturang bagyo sa Sabado o Linggo. Sa sandaling makapasok sa teritoryo ng bansa, papangalanan itong “Ramil," ayon kay Nathaniel Cruz, hepe ng Pagasa. “Nasa karagatan ng Pilipinas ito at ‘di pa pumapasok sa ating area of responsibility. Ito ay may kalayuan pa," pahayag ni Cruz sa panayam ng dzRH radio nitong Huwebes. Sa panayam ng GMA news 24 Oras, sinabi ni Cruz na posibleng pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang bagyo sa Sabado ng gabi. Posible umano nitong tumbukin ang gitna o hilagang bahagi ng Luzon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Batay sa monitoring ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ang bagyo ay binigyan ng code name “Tropical Storm 22W." Namataan ito malapit sa Southern Marianas at kumikilos patungong kanluran sa bilis na 25 miles per hour (mph). Samantala, ang low-pressure area na namataan ng Pagasa na dumaan sa Bicol region nitong nagdaang araw ay tinatayang nasa 550 kms north-northwest ng Puerto Prinsesa, Palawan. "Northern and Central Luzon will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms while the Western section of Southern Luzon and Visayas will have mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms," paalala ng Pagasa. “The rest of the country will be partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers and thundrstorms," idinagdag sa ipinalabas na ulat. – GMANews.TV