ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
San Roque Dam ligtas sa malakas na lindol -- Phivolcs
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Pinawi ng isang mataas na opisyal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) nitong Miyerkules ang mga pangamba na delikado sa malakas na lindol ang San Roque Dam sa Pangasinan. Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on climate change, sinabi ni Dr. Dante Solidum, director ng Phivolcs, na pitong kilometro ang layo ng kinalalagyan ng San Roque Dam mula sa kinatatakutang San Manuel fault line. âYes your honor, the San Manuel segment and the San Roque dam structure is seven kilometers away so the danger from rupture hazard is not there from the San Manuel segment," paliwanag ni Solidum kay Sen Loren Legarda, chairperson ng komite. Tiniyak ng opisyal ng Phivolcs na nagkaroon ng malawakang pananaliksik at pag-aaral bago pa itayo ang nabanggit na dambuhalang dam at mayroon itong disenyo para makaligtas sa malakas na lindol. âDuring the call for bid for the dam, the Napocor issued a feasibility studyâ¦the engineering geology, which was made in March 1979, was part of the information given to the proponent for the San Roque Project⦠The info on these faults were already incorporated," paliwanag naman ni Danilo Sedilla, vice president for Engineering ng National Power Corporation. Sinabi nito na makayanan ng dam na labanan ang magnitude 7.8 na lindol at napatunayan ito nang magkaroon ng 7.2 pagyanig ng lupa sa Digdig fault line sa Nueva Ecija noong 1990. Ipinaliwanag din ni Solidom na mas maiksi ang San Manuel fault line kumpara sa Digdig kaya hindi nito kayang lumikha ng 7.2 magnitude na pagyanig. âYung estimate na magnitude 7.2 earthquake, na-e-estimate base sa haba ng fault. Mas maikli yung San Manuel segment kaysa sa Digdig fault⦠the design of San Roque dam is over than the expected ground shaking," pahayag nito. Nasasakop ng San Roque Dam sa mga bayan ng San Manuel at San Nicolas sa Pangasinan at Itogon sa lalawigan ng Benguet. Nakikinabang sa dam ang may 70,800 ektarya na sakahan sa Pangasinan, Tarlac at Nueva Ecija. Noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong âPepeng" nagkagulo ang ilang residente sa Rosales, Pangasinan nang kumalat sa text messages na nagkaroon ng bitak sa San Roque Dam at nanganganib na gumuho. - GMANews.TV
Tags: sanroquedam
More Videos
Most Popular