ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bahay ng lider ng barangay sa Bulacan sinalakay, 1 patay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MALOLOS CITY â Patay ang katiwala sa bahay ng isang lider ng barangay sa bayang ito sa Bulacan makaraang manlaban umano sa mga awtoridad na sumalakay sa kanilang lugar nitong Huwebes ng madaling araw. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Ronald Dela Cruz dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ibaât-ibang bahagi ng katawan. Si Dela Cruz ang katiwala sa bahay ni Gener Lopez, kapitan sa Brgy. Labne at pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) sa nasabing bayan. Ayon sa pulisya, lumaban sa mga awtoridad si Dela Cruz nang salakayin ang bahay ni Lopez sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte kaugnay sa bintang na may itinatagong matataas na kalibre ng baril ang lokal na opisyal. Ngunit hinihinala ni Lopez na may bahid ng pulitika ang ginawang pagsalakay ng mga pulis sa kanyang bahay. Bukod umano sa kanyang bahay, pinasok rin ng mga pulis ang lima pang bahay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng hukom na nakabase sa Guimba, Nueva Ecija. Nakuha umano sa isinagawang raid ang isang kalibre 22 na rebolber at isang M-16 rifle. Ang kalibre 22 ay nakuha sa pag-iingat ni Felipe Capinlac, hepe ng Barangay Tanod ng Brgy. Labne, samantalang ang M-16 rifle ay nakuha kay Dela Cruz. Inihayag naman ng ilang residente sa barangay na posibleng may nais lamang manindak kay Lopez upang makuha ang suporta nito sa papalapit na halalan. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular