ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Anak ng opisyal sa Malacanang binaril, patay sa QC


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Patay ang anak ng opisyal ng Malacañang matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nasa loob ng kanyang kotse sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi. Sa ulat ng GMA news Unang Hirit nitong Huwebes, nakasakay sa kanyang Toyota Land Cruiser ang 27-anyos na biktimang si Renato Ebarle Jr. nang barilin ito ng salarin sa Boni Serrano Avenue (dating Santolan Road) sa Barangay Valencia sa Quezon City. Batay sa testimonya ng mga testigo, isang lalaki ang bumaba sa isang kulay asul na van at lumapit kay Ebarle saka nagpaputok ng baril dakong 11 p.m. nitong Miyerkules.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Napag-alaman na ang biktima ay anak ni Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle Sr. Ayon kay Superintendent Ferdinand Ampil, station commander ng Quezon City Police District’s Station 7, na posibleng gitgitan sa kalye ang naging motibo ng pamamaril. “Malayo pa lang ay nagkaka-gitgitan na," pahayag ni Ampil batay sa paunang imbestigasyon. Sa kabilang, sinabi sa ulat na patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang iba pang motibo sa krimen at matukoy ang salarin. – GMANews.TV