ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Suspek kay Ebarle Jr., sabit din pagkamatay ng Usec noong 2004
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ang taong pinaghahanap ng awtoridad sa kasong pagbaril at pagpatay sa isang anak ng opisyal sa Malacanang nitong Miyerkules ay nasangkot na rin umano sa isang aksidente noong 2004 na nagresulta sa pagkamatay ng isang opisyal ng gobyerno. Sa ipinalabas na pahayag ng Philippine National Police nitong Biyernes, lumitaw na ang suspek sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr., 27-anyos, na si Jason Ivler, ay nahaharap din sa kaso sa pagkamatay ni Undersecretary Nestor Ponce Jr. noong 2004. Si Ponce, dating presidential assistant for resettlement sa Office of the President, ay nasawi sa sakuna sa C5âOrtigas flyover na kinasangkutan umano ni Ivler. Samantalang si Ebarle, anak ni Undersecretary Renato Ebarle Sr., ng Presidential Chief of Staff, ay binaril sa loob ng kanyang sasakyan nitong Miyerkules ng gabi sa Boni Serrano Road sa Quezon City.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Batay sa ulat ng The Honolulu Advertiser, si Ivler ay isang American citizen na isinilang sa Massachusetts. Sinasabing Filipina ang ina ni Ivler, at stepfather nito si Stephen Pollard, isang opisyal sa Asian Development Bank (ADB). Ang kotse umano ni Pollard na mayroong diplomatic license plate ang gamit ni Ivler nang maganap ang pagpatay kay Ebarle na pinapaniwalaang nag-ugat sa iringan sa kalsada. Nakapiyansa Dahil sa kasong kinakaharap sa korte bunga ng pagkamatay ni Ponce, sinabi ng PNP na inisyuhan si Ivler ng hold departure order noong 2004. Nadakip umano ito ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Immigration agents sa Zamboanga City kung saan hinihinalang tatakas ito patungong Malaysia. Sinasabing âon bail" si Ivler nang madawit ang pangalan sa pagbaril kay Ebarle sa Quezon City. Inutos naman ni PNP chief Director General Jesus Verzosa sa National Capital Region Police Office, Quezon City Police District, at Aviation Security Group na magtulungan sa paghahanap kay Ivler, na inilarawang "armed and dangerous." "We are confident that a major breakthrough in the investigation is forthcoming," ayon kay Verzosa. Lumitaw din na walang baril na nakapangalan sa isang Jason Ivler batay sa talaan ng Firearms and Explosives Division ng PNP. Nangako naman si Pollard na makikipagtulungan upang madakip si Ivler. Tinawag naman ni Ann Quon, principal director ng external relations department ng ADB, na "serious and tragic" ang sinapit ni Ebarle. "Given that the matter is currently under police investigation, ADB is unable to make any comment on the issue," aniya. "Based on the information available so far, we do not believe that ADB staff was involved in the incident." â GMANews.TV

Tags: renatoebarle, jasonivler
More Videos
Most Popular