‘Wonder panty liner’ na pang lalaki rin, uso na sa Pinas?
Laganap na umano sa Pilipinas ang paggamit ng tinaguriang âwonder sanitary napkin" lalo na sa mga kababaihan. Natuklasan ng mga gumagamit nito na mabisa itong antibacterial at maigi sa pangangala ng, wika nga, feminine health. Pero, pati mga kalalakihan ay maari ring gumamit ng âAnion sanitary napkin" hindi para gawing panty liner kundi sa pamamagitan ng pagtapal ng anion pad kung saan mang parte ng katawan ang may aberya dahil sa mga germs at bacteria at kakulangan ng oxygen supply. Pero, saan nga ba nanggagaling ang bisa ng Love Moon anion napkin na gawa pa ng Winalite Company of China? Sa pangalan pa lang, anion o negative ion, mahahalata na ang pinanggagalingan ng umanoy bisa nito. Ayon na rin sa pananaliksik ng world Health Organization (WHO) kailangan mayroong hindi bababa sa 1,000 anion bawat cubic centimeter upang mapigilan ang pagdami ng mga bacteria sa hangin. Ang anion ay negatively-charged particle, na ang ibig sabihin ay mas marami ang electrons nito kumpara sa bilang ng protons â kaya tinatawag na negative particle ito. Ang anion, ayon sa WHO, ay mabisang antibacterial, o pamksa ng mga microbes at bacteria. Ayon naman sa Winalite na gumagawa ng Love Moon sanitary napkin, ang isang sanitary pad ay kayang magpakawala ng 5,800 negative ions, kaya tepok umano talaga ang mga microbes at bacteria kung saan man itatapal ang pad. Noong isang taon lamang umano dumating sa Pilipinas ang âwonder napkin," pero ayon kay Ernest Castillo, leader ng Tigers.Net International na distributor ng anion napkin, libu-libo na ang mga individual distributor nito sa buong bansa dahil nga mabisa umano ang all-purpose napkin na ito. Sa isang panayam sa GMANews.TV, binanggit ni Castillo ang datos na nakuha niya sa Department of Health na nagsasabing 12 kababaihan sa bansa ang namamatay araw-araw dahil sa mga sakit sa maykinalaman sa reproductive infections. âPagsinabi nating infection, kadalasan bacterial ang sanhi nito," dagdag pa ni Castillo. Ayon naman sa mga researcher ng Winalite, maraming health benefits pa umano ang makukuha sa pagamit ng anion pads, gaya ng pagsasaayos ng function ng mga bodily organs. Sa loob ng 30 minutes, mapagagana ng maayos ang lungs, dahil sa pamamagitan ng anion madadagdagan ng 20 porsyento ang kakayahang mag-absorb ng oxygen ang baga. Makapagpababa rin umano ito ng blood pressure dahil pagaganahin nito ng maayos ang mga muscle sa puso at paluluwagin ang mga daluyan ng dugo. Kaya rin umano nitong paganahin ng maayos ang nerve system at sa pamamagitan nito mapapalakas ang katawan, na magresulta ng maayos na pagtulog dahil papawiin nito ang tension sa katawan. Mapabababa rin umano ng anion ang blood sugar at cholesterol, at mapatataas nito ang calcium sa dugo. Economic benefits Ang anion sanitary napkin ay maaari rin umanong mapagkakakitaan ng mga gustong maging distributor nito. Ayon kay Castillo, âsa pamamagitan ng network marketing na siyang ginagawa ng kanyang grupo, libu-libong mga kababaihan (pati magakalalakihan) ang maaaring kumita sa pagbebenta ng produkto na may mahalagang papel sa kalusugan ng tao." Dagdag pa niya na handa ang kanyang grupo na ipamahagi ang kaalaman nila sa pagbebenta sa mga taong gustong magkaroon ng âfinancial freedom." Ayon kay Castillo, maigi din umano itong pangdagdag na icome sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at ng kanilang mga kamag-anak at handa ang kanyang team na tumulong para maturuan sila sa network marketing dala-dala ang isang mabisang produkto. - Fernando de la Cruz, GMANews.TV