ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

19 OFWs nasentensiyahan sa China dahil sa nagpupuslit ng droga ngayong 2009


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Nagpahayag ng pangamba ang isang Department of Foreign Affairs dahil marami pa ring Pilipino ang nahihimok na magpuslit ng ilegal na droga sa China kapalit ng malaking halaga. Sa isang pahayag ng DFA, sinabing muling pinaalalahanan ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady ang mga Pinoy sa nabanggit na bansa tungkol sa operasyon ng sindikato ng ilegal na droga. “Despite repeated warnings by the Philippine government, our kababayans continue to be victimized by these drug syndicates with wide network operations in various parts of Asia," pahayag ni Brady sa may 400 miyembro ng Filipino community doon. Sa ngayon, umaabot na umano sa 183 Pinoy, karamihan babae, ang nakapiit sa mga kulungan sa China dahil sa pagiging “drug mules." Nitong 2009, pito umano ang hinatulan ng parusang kamatayan, pito pa ang nahatulang makulong ng habambuhay at lima ang nahatulang makulong ng hanggang 15 taon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Lumobo ang kaso ng mga Pilipinong drug mule noong 2008 nang madakip ang 111 Pinay na nagpapasok ng droga sa China, Hong Kong at Macau. Lubhang malaki ang naturang bilang ng mga nadakip kumpara sa 16 kaso ng Pinoy drug mule noong 2007. Sa mga nadakip noong 2007 at 2008, 41 ang nahatulan ng kamatayan, 19 na iba ang pinatawan ng parusang pagkabilanggo ng habambuhay, at 11 ang makukulong ng hanggang 15 taon. “Since 2007, 48 Filipinos have been imposed the death penalty and 26 have received a life sentence for carrying narcotic drugs into China," ayon sa opisyal. “I, therefore, urge Filipinos to resist any offer of financial reward from these syndicates for carrying prohibited drugs to China or to any other country in the world," paalala ni Brady. Sinabi niya na mahigpit ang China sa pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na droga. “In China, drug trafficking of 50 grams or more of highly dangerous drug like heroin maybe punishable by 15 years in prison, life imprisonment or death," paliwanag nito. Batay umano sa mga natanggap na impormasyon ni Brady, ang mga droga ay pinapadala ng “kaibigan" bilang bagahe ng mga Pinoy na nagmula sa mga teritoryo o bansa tulad ng Bangkok, Kuala Lumpur, Macau, Kathmandu, Nepal, Vientiane, Laos at Vietnam. Binibigyan umano ang mga Pilipino ng plane ticket at pocket money para bumiyahe patungong Hong Kong, Macau o mainland China. Kapag naihatid ang ipinadalang “bagahe", bibigyan ang mga Pinoy ng $500 (P23,342). Ilang pinaghihinalaang drug mule din ang nadakip ng mga awtoridad kamakailan na manggagaling mismo sa Maynila. - GMANews.TV