ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
JEDDAH, Saudi Arabia â Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. Ayon kay Welfare Officer Edgar Lim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakabase sa Eastern province, napabilib siya sa katapangan na ipinakita ng overseas Filipino worker (OFW) na si Cherie Pie Villanueva nang tulungan nito ang isang kabayan na minaltrato umano ng amo sa loob ng airport noong nakaraang linggo. "Nakakatakot ang kanyang ginawa. Alam naman natin ang batas dito maaari siyang mapahamak sa kanyang trabaho pero malakas ang kanyang fighting spirit,â pagpuri ni Lim kay Villanueva sa pagtulong sa kababayan na isang domestic helper. Ayon sa welfare officer, tumawag at humingi ng tulong sa kanya si Villanueva tungkol sa sitwasyon ng DH na biglaan umanong dinala ng amo sa airport para pauwiin ng Pilipinas. Kuwento ni Villanueva, 27-anyos, at tubong Iloilo, nakita niya ang kahabag-habag na sitwasyon ng kababayan na nakilala lamang niya sa pangalang Luzviminda. Pilit umanong pinapasakay ng amo ang Pinay DH sa eroplano pabalik ng Pilinas na ang tanging dala ay isang supot ng damit. Eksena sa airport Batay sa salaysay ni Luzviminda kay Villanueva, bigla na lamang siyang ginising ng kanyang amo, pinagsuot ng damit, pinagdala ng ilang piraso ng damit at saka dinala sa airport ng Dammam. Wala umanong kamalay-malay si Luzviminda sa pupuntahan kaya laking gulat nito nang pinapasakay siya ng eroplano kahit naiwan ang lahat ng kanyang gamit sa bahay ng amo. Nagsimula umanong maltratuhin ng amo si Luzviminda nang magmatigas ang Pinay DH na hindi uuwi hanggat hindi nakukuha ang mga naiwang gamit sa bahay. Dito na umeksena si Villanueva at kinumpronta ang amo ni Luzviminda kahit hindi sila nagkakaintihan dahil hindi nakakaunawa ng English ang amo. "Hindi puwedeng apihin tayo ng kung sino-sino kaya talagang pinilit kong ipakita sa kanya na hindi tama ang ginagawa niya," kuwento ni Villanueva. Para makasiguro na hindi mapapahamak si Luzviminda, tumawag si Villanueva ng pulis at maging sa OWWA. Masuwerte naman umano na may tauhan ng welfare officer sa lugar kaya kaagad na natulungan ang Pinay DH. Sinabi ni Lim na hindi nasayang ang pagtulong ni Villanueva sa kababayan dahil nakuha ni Luzviminda ang kanyang mga gamit at nakauwi na rin sa Pilipinas. "Ang mga katulad ni Villanueva ay dapat tularan. Isang magandang halimbawa ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa kababayan kahit saan ka man naroroon," ayon kay Lim. â Ronaldo Z. Concha, GMANews.TV
Tags: ofws
More Videos
Most Popular