ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Jason Ivler humirit ng ‘not guilty’ sa kasong pagpatay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Naghain ng not guilty sa kasong murder si Jason Ivler, na inaakusahang pumatay sa anak ng isang opisyal ng Malacanang na si Renato Ebarle Jr. noong November 2009. Humarap nitong Martes si Ivler sa korte nang basahan ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court Branch 76 na pinamunuan ni Judge Alexander Balut. Kasama ni Ivler sa korte ang kanyang kontrobersiyal na ina na si Marlene Aguilar at stepfather na si Stephen Pollard. Samantala, dumalo rin sa pagdinig ang mga kasapi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) upang magpakita ng suporta sa pamilya Ebarle. Nais ng panig ng tagausig na ilipat na si Ivler sa regular na piitan ngunit tumutol si Dr. Romeo Abery ng Quirino Memorial Medical Center dahil maselan pa umano ang kalagayan ng sugat ng akusado. "The wound is still open. As of now he still has sutures on the abdomen. Still needs medical (assistance)," paliwanag ni Abery. "He could not sit down for a long time." Malubhang nasugatan si Ivler nang makipagbarilan sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation na humuli sa kanya sa loob ng bahay ng kanyang ina sa Quezon City.
Dinala si Ivler sa korte habang nakahiga sa stretcher. Nagpasya si Balut na manatili sa kostudiya ng NBI si Ivler habang nakaratay sa QMMC. Ang naturang desisyon ng korte ay ikinatuwa naman ng kampo ng akusado. "It will only inflict unnecessary pain on the accused. That's persecution," ayon kay defense Atty. Alex Medina. Itinakda ni Balut ang preliminary conference sa kaso ni Ivler sa February 25 at 26, at ang pre-trial sa Marso 2. Samantala, nais ng kampo ni Ebarle na ipasuri sa ibang duktor si Ivler upang malaman ang tunay na kalagayan nito. Naniniwala sila na sapat na ang 21 araw na pananatili ng akusado sa ospital para gumaling ang sugat nito. âWe will file a motion asking the court to allow our own doctor [to examine Ivler], so that the doctor can give an opinion whether he [Ivler] should be transferred to a regular detention cell or not," pahayag sa media ni Presidential chief of staff Renato Ebarle Sr., ama ng biktima. Bago ang pagdinig, naglabas ng pahayag ang pamilya ni Ebarle upang hilingin sa media na huwag hayaang palabasin ng pamilya Ivler na isang, "lovable, harmless teddy bear or a straight and innocent young man," ang akusado. Si Ivler ay inaasakusahang bumaril at pumatay kay Ebarle Jr. matapos ang away sa trapiko sa Quezon City noong Nobyembre18. Malubhang nasugatan si Ivler nang dakpin sa loob ng bahay ng kanyang ina sa Quezon City matapos ang dalawang buwan na pagtatago. Bukod sa kaso ni Ebarle Jr, nahaharap din si Ivler sa kasong pagpatay dahil sa aksidente sa trapiko kung saan nasawi si dating Undersecretary Nestor Ponce Jr. noong 2004. - GMANews.TV

Guwardiyado ng mga tauhan ng NBI si Jason Ivler nang dalhin sa Quezon City court nitong Martes.- GMANews.TV
Tags: jasonivler
More Videos
Most Popular